Connect with us

Entertainment

Assunta De Rossi, Isinilang na ang kanilang Miracle Baby na Halos 20 Taon nilang Hinintay

“Miracles happen every day, and this one is the best!”, hindi matatawarang kaligayahan ang hatid na magandang balita ng aktres na si Alessandra de Rossi sa kanyang Instagram account, nito lamang ika-24 ng Oktubre. Ito nga ay dahil ang kanyang ate na si Assunta de Rossi, ay isinilang na ang napakacute at napakalusog na baby girl na pinangalanang si Baby Fiore, ang panganay na anak nila ng asawa nitong si Jules Ledesma.




“This is the most beautiful photo for life! Little Fiore and tears of joy in my sister’s eyes. 20 years in the making! Miracles happen every day, and this one is the best! Congratulations @assuntaledesma @julesledesma and of course to the new granny na mas oa pa sa naganak, @ermatsko ??? THANK YOU LORD”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

Tinawag na isang “miracle baby” ni Alex si Baby Foire dahil nga, halos 20 na taong naghintay ang mag-asawang Assunta at Jules na magkaroon ng anak, at ngayong taong 2020 nga, ay walang katumbas na kaligayahan ang nadarama ng mag-asawa dahil ang pinakahihintay nila sa loob ng mahabang panahon ay ipinagkaloob na sa kanila.

Makikita sa larawang ibinahagi ni Alex sa kanyang Instagram, na kapansin-pansin ang luha sa mga mata ang kanyang Ate Assunta, ito nga ay “tears of joy” o luha ng labis na kaligayahan sa pagdating ni Baby Fiore.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on

Noong ika-23 ng Oktubre, isinilang ni Assunta si Baby Fiore o may buong pangalan na Guilia Fiorentina Alessandra Ledesma sa ganap na 7:06 ng umaga sa Cardina Santos Medical Center sa San Juan City. Napakalusog rin ni Baby Foire sa kanyang timbang na 5 lbs at 2 oz. Masisilayan rin sa mukha ni Baby Fiore ang napakacute at maamo nitong mukha.




Sa pagdating nga ni Baby Fiore sa buhay ng mag-asawang Assunta at Jules ay talagang labis ang kaligayahan ng mga ito, at isang milagrong maituturing. Ang 37 taong gulang na si Assunta kasi ay may kondisyon sa kanyang kalusugan na nakakaapekto sa pagbubuntis tulad ng myoma at endometriosis. Ngunit, ngayong panahon ng pandemya, ay isang biyaya ang ipinagkaloob sa kanilang mag-asawa.

“This is all new to me, so to experience this in the middle of a pandemic is tough. I know a ton of people are having it worse than me, so hindi na ako ngangawa. Constant prayers lang talaga. Thank God hindi ako delikado.”

Matatandaan naman na noong Mayo taong kasalukuyan nang inanunsiyo ni Assunta ang magandang balita sa publiko na malapit na silang maging magulang ng kanyang asawang si Jules sa panganay nilang anak. At ang huling update nga ng aktres, ay ang nalalapit niyang pagsilang sa kanilang panganay na anak ngayong buwan ng Oktubre.

error: Content is protected !!