Asia’s Song Bird Regine Velasquez Tumanggap ng Mamahaling ‘Hermes’ Bag Mula sa kanyang Asawa

Ibinahagi ng bukod tanging Asia’s Song Bird ang mga mamahaling koleksiyon ng bag. Maraming nakakaalam sa hilig ng Kapamilya Singer pagdating sa sapatos ang ilan pa nga dito ay kilalang brand. Pero lingid sa marami may “passion” din ang dating Kapuso host pagdating sa pagkolekta ng mga bag.



At ayon pa kay Regine hindi pa man sila ng Singer Songwriter na si Ogie Alcasid nagsimula na siyang bumili at mangolekta ng bag bilang regalo para sa sarili.

Photo credits: reginevalcasid | Instagram 

At mula nga noon, unti-unti nadagdagan ang kanyang koleksiyon at bawat isa nga dito ay may natatanging kwento sa tuwing ito ay kanyang mabibili.

“Nag-umpisa ang aking pagka-adik sa bag nong single pa ako. Siyempre I work so hard and again ‘pag may nakita na naman ako sa magazine na magandang bag I go out and try to get them. And normally pinag-iipunan ko talaga ‘yun”, pahayag pa ng aktres.



“Ito talaga ang pinag-ipunan ko nang bongga. I remember nakita ko siya pero hindi ko muna binili but I saw this one, pinareserve ko siya, binayaran ko ng 25% para lang I can be sure that I will have it. ‘Yung leather ‘yung loob, snake skin”, may halo pang pagmamalaki ng ipakita niya ang branded bag na ‘Fendi’ dahil ayon sa aktres nahirapan siyang mabili ito.

Photo credits: reginevalcasid | Instagram

Pero ang talagang sobrang ipinagmamalaki at proud si Regine ay ang mamahaling bag na “Birkin Hermes”, dahil wala sa isip niya na magkakaroon nito. Dahil totoong may kamahalan talaga ang nasabing bag pero hindi niya naisip na ireregalo lang ng asawang si Ogie.

Ayon pa nga sa magandang maybahay ng Singer Songwriter hindi naman talaga niya nais bumili lang ng walang dahilan. “For some reason iniiwasan kong bumil ng Hermes kasi ayaw kong maadik and then one day, suddenly he gave me this. Pero sa ngayon mahirap na hanapin ‘yung color na ito. This is a “salmon color” salaysay pa nga Kapamilya singer.

Photo credits: reginevalcasid | Instagram

Sa kabilang banda, nauunawaan naman niya na may mga iba talaga na iniisip na ang pagkakaroon ng “hermes” na bag ay ginagawang standard para masabing nakakaangat sa buhay.



Pero kahit mayroon man si Regine ng ganitong kamahal na bag, iba ang kanyang pananaw, dahil para sa aktres mas naging “special” ito dahil may kasama itong pagmamahal mula sa kanyang minamahal na asawa.

source: virtualpinoy