Asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao Ipinasilip sa Netizens ang Kanilang Mamahaling Family Van

Marami sa atin ang nakakaalam na ang ating “Pambansang Kamao” Manny Pacman Pacquiao ata ang kanyang butihing may-bahay na si Jinkee ay isa sa mga pinakamayaman na mag-asawa sa buong bansa.



Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka kung makabili man sila ng mga mamahalin sasakyan gaya ng kamakailang ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa kanyang Instagram Account.

Gayunpaman, marami pa din ang namangha ng ipakita niya ang mga larawan ng kanilang luxurious van pati na rin ang loob nito na talaga namang nakakalula sa ganda.

Jinkee Pacquiao | Instagram

Sa Instragram post ni Jinkee nitong nakaraang Oktubre 5, kung saan nagtungo siya kasama ng tatlong anak na sina Michael, Mary Divine Gace, at Queen Elizabeth sa isang sikat na shopping mall sa Makati para sa kanilang “Saturdate” gamit ang nasabing mamahaling sasakyan.

Jinkee Pacquiao | Instagram

Ayon sa ilang report, ang malaking van na ito ay Toyota Hi-Ace Super Grandia na kung saan kitang kita ang magarang disenyo nito sa labas man o sa loob, sinabi din ni Jinkee kung gaano kakomportable sa loob ng sasakyan.

Makikita sa larawan ang customized na mga bahagi ng sasakyan lalo na ang mga upuan na mapapansin na nababalot ito ng leather.

Jinkee Pacquiao | Instagram

Bago pa man mamasyal, nagbahagi rin si Jinkee ng ilang pang mga larawan kung saan nasa loob siya ng naturang sasakyan habang gumagawa ng iba’t ibang pose at relax na nakaupo sa loob nito.



Sa isang larawan ay agaw-pansin din sa loob ng sasakyan ang “Hermes Bag” na isa mga mamahaling bag ng may-bahay ng People’s Champ, kilala si Jinkee na mahilig sa mga branded na bag, sapatos at mamahaling alahas dahil hindi naman niya inililihim ang kanyang marangyang pamumuhay.

Jinkee Pacquiao | Instagram

Bagama’t may mga Netizens na hindi natutuwa sa mga Instagram Posts ni Jinkee na nagpapakita ng mga mamahaling kagamitan, mas marami pa rin ang naging maganda at positibo ang impresyon sa ginawa niyang pagbabahagi ng mga tinatamasang pagpapala sa mga taong nangangailangan.

Marami din ang nagsasabi na tunay namang deserved din nila na maranasan ito pagkatapos ng lahat ng pagsubok na dinanas nilang mag-asawa noon.