Connect with us

Entertainment

Asawa ni Ara Mina na si Dave Almarinez, Naging Isang OFW sa Singapore Bago Maging President at CEO ng Philippine International Trading Corporation

Matapos ma-engaged ang aktres na si Ara Mina sa kanyang fiancee na businessman na si Dave Almarinez noong nakaraang buwan ng Enero, ay plano nilang magpakasal noong Abril 28. Ngunit, dahil nga sa dumaraming kaso ng mga nagpopositibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ay nagpasya silang ikansela ito.

Photo credits: therealaramina

Marami naman ang talagang inabangan ang kanilang pag-iisang dibdib. At nito lamang ngang ika-30 ng Hunyo, ay naganap na ang engrandeng seremonya ng kasal nina Ara at Dave na naganap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges. Ang kanilang pag-iisang dibdib ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz. Ilan nga sa mga bigating artista na dumalo sa kasal nina Ara at Dave ay sina Barbie Imperial, Sunshine Cruz, Jessa Zaragosa, Samantha Bernardo, Melissa Ricks, Jenny Miller, at Jaycee Parker Aguas.

 Photo credits: davealmarinez | IG

Samantala, bago pa man maisakatuparan ang kanilang pag-iisang dibdib ay unang nagkakilala sina Ara at Dave sa isang event. At matapos nga mabihag ang puso ni Dave ng natatanging kagandahan ni Ara, ay dalawang taon nitong niligawan ang aktres bago makamit ang matamis nitong kasagutan. Magmula naman nang maging opisyal silang magkasintahan, ay talaga namang damang-dama ang wagas na pagmamahal nila sa isa’t isa.

 Photo credits: davealmarinez | IG

Tila napakapalad naman ni Ara Mina dahil ang inaasam na pag-ibig ay natagpuan niya sa katauhan ng kanyang asawa na ngayon na si Dave. Bukod sa isang pagiging isang mapagmahal at mabuting tao, ay isa ring matagumpay na businessman si Dave. Ngunit, bago pa man niya marating ang tinatamasang tagumpay ngayon, ay hindi rin madali ang kanyang pinagdadaanan.

 Photo credits: davealmarinez | IG

Bago siya maging president at CEO ng Philippine International Trading Corporation, ay naging isang OFW sa Singapore si Dave at kasabay nito ay nagkaroon rin siya ng direct selling business dahilan nga upang maging isa siyang milyonaryo. Maliban rito, ay pinasok rin niya ang mundo ng pulitika upang magbigay serbisyo sa bayan matapos magwagi noong 2007 elections at itanghal bilang Provincial Board Member ng Laguna.

 Photo credits: davealmarinez | IG

Dahil nga, talagang napakaganda ng kwento ng buhay ni Dave na dahil sa kanyang pagsisikap ay nakamit niya ang kanyang tinatamasang tagumpay ngayon, ay siya rin ang author ng sarili niyang kwento ng tagumpay sa kanyang libro na The Blind Spot.

 Photo credits: davealmarinez | IG

Samantala, minsan na ring binigang pugay ni Ara si Dave sa pagiging responsable at mapagmahal sa kanyang pamilya. Proud na proud rin si Ara sa kanyang asawa dahil nga sa kasipagan at determinasyong ipinapakita nito. Sa isang Instagram post, ay ibinahagi ni Ara ang kanyang mensahe kung gaano niyang ipinagmamalaki ang kanyang asawang si Dave Almarinez.

“Just want to let you know Dave that I admire you so much dahil sa maraming magandang bagay tungkol sa ‘yo. Hindi ako magsasawang ipagmalaki ang kabutihan ng puso mo.”

error: Content is protected !!