Connect with us

Entertainment

Arjo Atayde, Masayang Ipinagdiwang ang Kanyang 30th Birthday Kasama ang Pamilya at Nobyang si Maine Mendoza

Ang araw ng ating kapanganakan ay isang espesyal na araw upang ipagdiwang at maituturing na biyayang ipinagkaloob sa ating buhay. Isang panibagong buhay upang mamuhay ng masaya, malusog at puno ng kabuluhan.


Ngayong panahon nga ng pandemya, ay mapalad ang sinumang magdiriwang ng kaarawan ng walang dinaramdam na sakit at nananatiling malusog sa kabila ng kumakalat na sakit na kinakatakutan ng lahat. Kaya naman, ang araw ng kapanganakan sa gitna ng pandemya ay dapat ipagdiwang at ipagpasalamat.




Hindi nga nahadlangan ng nararanasang pandemya ang masayang pagdiriwang ng 30th birthday ng aktor na si Arjo Atayde kasama ang kanyang pamilya at kasintahang si Maine Mendoza.
Nito lamang ika-4 ng Nobyembre, araw ng Miyerkules, nang ipagdiwang ng aktor ang kanyang kaarawan sa loob ng kanilang tahanan. Nagkaroon ng simple ngunit masayang okasyon sa loob ng tahanan nina Arjo kung saan ay nakasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay. Hindi rin siyempre nawala sa espesyal na araw ng aktor ang kanyang kasintahan na si Maine Mendoza.

Samantala, nagpaabot naman ng nakakaantig na mensahe ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez sa Instagram para sa kaarawan ng aktor. Ayon nga sa batikang aktres, ay masaya siyang nakikita na masaya ang kanyang anak. Ipinaramdam rin ng aktres sa kanyang mensahe ang pagmamahal sa anak.

“Masaya ako anak @arjoatayde kasi alam kong masayang masaya ka. Maligayang kaarawan sa ‘yo. Love you.”

Base nga sa post ng ina ni Arjo ay talagang masaya ang aktor sa buhay niya ngayon. At ang isa sa dahilan ng kanyang kaligayahan ay ang aktres at TV host na si Maine Mendoza na kasintahan na niya sa loob ng mahigit isang taon.

Naging pribado ang relasyon nina Arjo at Maine noong una, na nagsimulang pag-usapan ng publiko noong Enero 2019. Bago pa man matapos ang taon, Disyembre 2019, ay inanunsyo na ng dalawa ang estado ng kanilang relasyon. Ito nga ay matapos batiin ang isa’t isa sa pagdiriwang ng kanilang 1st anniversary bilang magkasintahan.




Sa isang panayam naman noong Pebrero, ay nabanggit ni Arjo na nakikita na umano niya ang sarili na si Maine na ang taong makakasama niya habang buhay. Ayon pa sa aktor, ay pinag-uusapan na nila ang lumagay sa tahimik dahil nasa tamang edad naman na sila.

“Obviously, I’m of age already. Nothing to hide. Yes, we got to talk about it, so I said nga this is my love story, this is me, this is it for me, and you know we just have commitments and we still have things to do. And being here with each other throughout the years we just grow stronger. Eventually we’ll get there.”

Ngunit, kapag dumating umano ang sandaling ito, ay nais ng aktor na maging pribado ang magiging seremonya ng kanilang kasal.

“For myself, for my family, for everyone.”




error: Content is protected !!