Connect with us

Entertainment

Arjo Atayde at Maine Mendoza, Masayang Nagdiwang ng Kanilang Ikalawang Anibersaryo Bilang Magkasintahan

Marami sa mga celebrity couple sa showbiz ang ating hinahangaan, na naghahatid sa atin ng kilig. Kabilang na nga rito ang magkasintahang sina Arjo Atayde at Maine Mendoza na hindi maikakaila ang pagsinta sa isa’t isa.

Ang kanilang pag-iibigan nga ay mas lalong tumatamis at tumatatag sa pagdaan ng panahon. Nito lamang ika-21 ng Disyembre, ay marami ang natuwa at kinilig sa magkasintahan. Ito nga ay dahil, masayang nagdiwang ng kanilang ikalawang anibersaryo ang magkasintahan.




Sa kani-kanilang Instagram account ay masayang binati ng magkasintahan ang isa’t isa.

Sa post ni Arjo bilang pagbati kay Maine, ay ipinahayag ng aktor kung gaano nito kamahal ang kasintahan.

“I love you more than you could possibly imagine. Happy 2nd Anniversary bubs!”,saad ni Arjo.

Photo credits: Arjo Atayde | Instagram

Samantalang si Maine naman, ay naging simple ang naging pagbati sa nobyo kung saan ay nilakipan ng larawan na magkasama sila.

“happy second ♡,”caption ni Maine sa kanyang post.

Bagama’t, hindi nabanggit ng magkasintahan sa kanilang post kung saan nila ipagdiriwang ang kanilang espesyal na araw, ay makikita naman sa comment section ng kanilang post na nagtungo sa bakasyon ang dalawa.

Nagsimulang magkakilala at magkaroon ng pagtingin sa isa’t isa sina Arjo at Maine nang magkasama noong 2018 sa Metro Manila Film Festival sa pelikulang Jak Em Popoy: The Puliscredibles. Magmula noon ay inilihim ng dalawa ang kanilang relasyon, at noong nakaraang taong 2019 lamang nila ibinunyag sa publiko.

Photo credits: Arjo Atayde | Instagram

Hindi nga maitatanggi na magmula ng malantad sa publiko ang kanilang relasyon, ay naging bukas na rin silang iparamdam ang pagmamahal sa isa’t isa. Matatandaan nga na noong nakaraang linggo ay inialay ni Arjo kay Maine ang natanggap na parangal bilang Best Actor sa naganap na 3rd Asian Academy Creative Awards sa kanyang natatanging pagganap sa iWant digital series na Bagman.




Ayon nga kay Arjo, si Maine ang kanyang inspirasyon sa bawat bagay na kanyang ginagawa.

Photo credits: Arjo Atayde | Instagram

Samantala, si Maine naman bagama’t abala sa kanyang trabaho bilang TV host sa noontime show na Eat Bulaga, ay naglalaan pa rin siya ng oras na makasama ang nobyo, lalo na sa mga espesyal na okasyon.

Hindi maikakaila na masisilayan sa relasyon nina Maine at Arjo ang isang tunay at wagas na pagmamahal. Tila nga, wala nang makakahadlang pa sa pagmamahalan nilang dalawa.

error: Content is protected !!