Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Arianne Bautista, Dating Body Double ni Toni Gonzaga, Ibinahagi din ang Masayang Karanasan Katarabaho si Coco Martin

Published

on

Si Arianne Bautista ay isang modelo, TV Host at aktres sa GMA Kapuso Network. Ngunit, bago pa man siya maging bahagi ng Kapuso Network, nakadaupang palad na niya ang dalawang sikat na artista ng ABS-CBN Kapamilya Network na sina Toni Gonzaga at Coco Martin.




“Before ako mag-start mag-GMA, nasa ABS muna ako. Nag-workshop ako dun. Dun ako nag-start”,

saad ni Arianne.

Sa isang video ng question and answer na in-upload niya sa Youtube, ibinahagi ni Arianne ang masaya at hindi makakalimutang karanasang pakikipagtrabaho niya kina Toni at Coco.

Nakilala ni Arianne si Toni habang nasa poder siya ng ABS-CBN. Nauna nga niyang ibinahagi ang masayang karanasan kung saan nakasama niya si Toni Gonzaga sa trabaho, at hindi lang nakasama kundi naging kadoble pa siya ni Toni sa ilang proyekto nito kagaya ng mga commercial.

Marami ang nakakapansin na malaki ang pagkakahawig nina Arianne at Toni sa isa’t isa kaya naman marami ang nagtatanong kung magkamag-anak sila. Ngunit, ayon kay Arianne ay hindi sila magkaanu-ano at hindi sila magkadugo. Hindi man sila magkadugo, malaki umano ang naitulong ng pagkakahawig nila ni Toni sa pagkakaroon niya ng trabaho.

“Sobrang compliment yun for me. I super look up to her. Super idol ko rin siya, nakaka-inspire siya as a person.”

“Medyo nagkaka-advantage din sa akin na medyo hawig ko siya. Kahit sa commercial, nagba-body double talaga ako sa kanya, e. Di ba, ang dami niyang endorsements noon? Tsaka hindi rin biro yung TF [talent fee] namin noon ‘pag double ka sa commercial. Mataas yung suweldo, ranging from P50,000 pataas. Okay na din. And I get to meet her all the time, kaya lagi talaga kaming nagkaka-meet”,

paliwanag ni Arianne.

May pagkakataon rin raw na napabilang si Arianne sa isang upcoming youth-oriented show ng ABS-CBN at ang host ng programa ay si Toni, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi ito natuloy. At sa pagsasama nga nila ng maraming beses sa trabaho ay nagkalapit na rin sila ni Toni at ayon kay Arianne ay mabait at friendly na tao raw si Toni.




“Meron talagang dapat magiging show, tapos siya dapat yung host. So, nag-meet na talaga kami. Nag-team building pa kami together”.

Samantala, ang aktor naman na si Coco Martin ay ilang beses na rin niyang nakatrabaho. At noong 2012 nga, ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa trabaho kung saan ay nag-endorso sila ng isang cellular service provider.

Nasundan pa nga ang pagsasama nila sa trabaho noong 2013, na bagama’t nagsimula na siyang makilala ng publiko sa GMA noong 2014, sinabi naman ni Arianne na ang kanyang unang TV appearance ay ang teleseryeng “Juan dela Cruz” na napanood ng publiko sa ABS-CBN. Hindi nga maitago ang tuwa ni Arianne sa muling pagsasama nila sa trabaho ng aktor, lalo pa’t naaalala pa rin siya nito.

“I was the secretary. Guesting lang siya. Seventeen years old ako. Nakaka-touch kasi ang galing niya sa memory, nakakaalala siya ng tao.”
“O, ikaw yung leading lady namin sa TM,” sabi raw ni Coco sa kanya.

Mas lalo namang humanga sa pagiging mabuting tao ni Coco si Arianne nang magkasabay sila sa flight noong March 2020, nang magtungo si Coco sa Dubai para sa shooting ng pelikula.

“Even recently, nung nasa Dubai, nagkasabay kami ng flight. Sabi niya, ‘Nakakatuwa nga kasi GMA ka na. Nakikita kita sa GMA.’ Alam mo yung feeling na naa-acknowledge ka, napapansin ka pala kahit papa’no,”

saad ni Arianne.

Sa huli, nag-iwan naman si Arianne ng mensahe ng pasasalamat kay Coco.

“Thank you so much Coco Martin, I’m such a fan.”




Maraming naging proyekto si Arianne sa GMA na nagpakita ng kanyang husay sa pag-arte, kabilang na nga rito ang teleseryeng “Kambal Sirena” noong 2014. Ngunit, higit siyang nakilala ng publiko sa kanyang pagganap sa teleseryeng “Ika-6 Na Utos” kung saan pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Ryza Cenon, at Gabby Concepcion na napanood naman noong 2016 hanggang 2018.

Ngunit, pagdating ng taong 2019 ay muli siyang naging bahagi ng ABS-CBN kung saan nagkaroon siya guest appearance sa ilang programa.

At ngayon nga, ay masaya si Arianne sa kanyang buhay sa pagiging freelancer at social media influencer.

error: Content is protected !!