Connect with us

Entertainment

Arci Muñoz, Pinasiklab ang Init ng Summer sa Boracay sa kanyang Napakaseksing Black Beach OOTD

Ramdam na ramdam na nga ang init ng summer saan mang dako ng bansa ngayon. At talagang beach na beach na ang marami sa atin para iawra ang mga beach OOTD. Ngunit, beach ready na rin ba ang figure ng lahat?

Ang aktres na si Arci Muñoz nga, ay hindi lamang beach ready umawra kundi beach ready na rin ang kanyang fit and seksi body. At para ngayong summer, ay lumipad patungo sa malaparaisong lugar ng Boracay ang aktres upang doon ienjoy at lasapin ang isang masarap na bakasyon.

Para sa bakasyong ito ni Arci, ay tumuloy siya sa Crimson Resort and Spa na talaga namang maalaga at iniingatan ang kanilang mga guest lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Hindi naman talaga maitatanggi ang seksi figure ni Arci, na tila isang dyosa sa kagandahan. At kamakailan nga, ay pinasiklab ni Arci ang init ng summer sa isla ng Boracay sa kanyang naggagandahan at napakaseksing black beach OOTD.

Kung nasanay tayo sa makulay na outfit ni Arci sa kanyang mga beach outfits, ngayon nga ay tila nasa plano na ng aktres na sa buong bakasyon niya ay tanging bkack outfits lamang ang kangang susuotin.

Paglapag pa lamang nga ng sinakyang private plane ay masisilayan na ang napakagandang aktres sa suot niyang black-and-white look na binagayan ng sumbrero, pares ng sunglasses, at kanyang Louis Vuitton bag.

At sa pagsisimula ng kanyang adventure sa beach sa Boracay, ay agad na pinahanga ni Arci ang publiko. Suot ang two piece black swimsuit na binagayan naman niya ng red bucket hat, ay talagang napakaseksing tingnan ng aktres.

Makikita rin na inienjoy ni Arci ang sandali sa kanyang cocktail bago lumusong sa dagat. Suot ang black overall, at isang high waist black ay sadyang napakaganda ng aktres. Sa suot namang puff-sleeved top with wrap-around strings, na binagayan ng black bikini ay hindi maikakaila ang angking ganda at kaseksihan ng aktres.

Dahil nga sa OOTD beach style ni Arci ngayong summer, ay tiyak na marami ang kanyang nainspire na magsuot rin ng black beach OOTD sa kanilang bakasyon.

Walang duda nga ang taglay na ganda ng hubog na katawan ni Arci, sa kanyang mga OOTD na sadyang bagay na bagay sa kanya. Samahan pa nga ito ng kanyang napakaganda at napakaamong mukha, ay tila nga isa siyang dyosa sa malaparaisong isla ng Boracay.

error: Content is protected !!