Connect with us

Entertainment

Arci Muňoz Pina-Wow ang mga Netizens sa Kanyang Bagong Now Magazine Cover, Binansagan Din Siya Bilang“Angelina Jolie” ng Pilipinas

Aktres na si Arci Muňoz, muli na namang pinahanga ang mga netizens sa kanyang angking kagandahan. Binansagan pa ngang “Angelina Jolie” ng Pilipinas.Pagdating sa kagandahan ay hindi magpapahuli riyan ang aktres na si Arci Muňoz, kaya naman talagang maraming mga netizend ang tunay na hinahangaan at pinapantasya siya.

Photo credits| Arci Muňoz |IG

Samantala, sa bagong post na mga larawan ni Arci sa kanyang social media account ay kanya nga ibinandera ang nag-gagandahan niyang mga larawan kung saan ito ay kinunan sa naging pagbibida niya sa March 2022 cover ng Now Magazine sa Los Angeles.

Maliban pa sa mga ito, ay nagbahagi rin si Arci ng kanyang mga larawan kung saan ang sikat na photographer at Editor ng Now Magazine na si Filbert Kung ang kumuha nga ng mga naturang larawan.

Photo credits| Arci Muňoz |IG

Ibinida rin ng aktres sa caption niya sa naturang larawan na ang lugar kung saan nga kinunan ang kanyang magagandang larawan, ay ang mismong lugar din na pinagkunan ng Music Video ng BTS, isang sikat na K-Pop group.

Photo credits| Arci Muňoz |IG

“If not now, when?! Whaaaahh!! Thank you soo much this feature and for granting my request to shoot at the #bts ON MV location. #army”, ang naging saad nga ni Arci sa kanyang caption.

Marami namang mga netizens ang nakapansin ng pagkakahawig ni Arci kay Angelina Jolie, ito nga ay matapos ang anging sunod-sunod na pagbabahagi ng aktres ng kanyang mga nag-gagandahang larawan.

Photo credits| Arci Muňoz |IG

Makikita naman kasi talaga sa isang larawan na ibinahagi ni Arci kung saan siya ay nakasuot ng black shades, at naka-awra sa harap ng kamera, ay tila nga talagang Angelina Jolie ang ‘peg’ niya.
Narito naman ang ilan sa mga komento nga mga netizens;

Photo credits| Arci Muňoz |IG

“Angelina Jolie is that you?” “Lakas maka Angelina Jolie madam”
“Kamuka mo si @angelinajolie.”
“Ang lakas maka Angelina Jolie lods….”
“@ramonathornes OMG looks lije @angelinajolie miiii”
“super ganda kala ko si Angelina Jolie nung una.”

Si Arci Muňoz o sa tunay na buhay ay si Ramona Cecilia Dutuin Muňoz ay isang aktres, comedian at mang-aawit sa Pilipinas. Siya ay bokalista ng bandang Pilipinong Philia. Ipinanganak siya noong ika-12 ng Enero taong 1989.

Taong 2005 ng pasukin ni Arci ang mundo ng showbiz, ito nga ay matapos niyang maging kalahok sa third season ng reality talent show ng GMA-7 na StarStruck.

Photo credits| Arci Muňoz |IG

Matapos ng naging pagsabak niya sa StarStruck ay napanood na nga natin siya sa ilang mga television show sa GMA at TV5. Hindi naman nagtagal ay lumipat sa ABS-CBN network si Arci, ito nga ay noong taong 2014.

error: Content is protected !!