Connect with us

Entertainment

Arci Munoz, Ibinahagi Ang Kanyang Masayang Road Trip Sa Tatlong States ng US Sa Loob Lamang ng 11 Na Oras

Matatandaan na lumipad patungong Amerika ang aktres na si Arci Munoz noong nakaraang buwan ng Hulyo 2021. At sa kanyang masayang bakasyon ay wala siyang pinalampas na sandali upang mag-enjoy at libutin ang magagandang lugar sa nasabing bansa.

Photo credits to the owner

Noong ika-9 nga ng Agosto 2021 ay agad na binisita ni Arci sa Las Vegas ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na noon nga ay nasa US para sumabak sa kanyang laban sa loob ng ring laban kay Yordenis Ugas. Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Arci sa kanyang Instagram account ang mga larawang magkasama sila ni Manny. Makikita ring mapalad na nakakuha ng autograph ang aktres sa kanyang sariling boxing gloves mula kay Manny.

Photo credits to the owner

Ang kanyang pagbisita sa Pambansang Kamao ay nasundan naman ng kanyang pagdalo sa kasal ng isa sa kanyang mga kaibigan na si Carla Carnduff sa Albuquerque, New Mexico. Hindi naman dito natatapos ang masayang bakasyon ni Arci dahil matapos masilayan ang ganda ng tanawin sa Old Albuquerque ay nagtungo naman siya sa Denver, Colorado upang makipagkita sa iba pa niyang mga kaibigan.

Photo credits to the owner

Pagdating nga ng aktres sa Denver, Colorado ay mas lalo namang sinulit ng aktres ang kanayang pananatili sa napakagandang lugar. Makikita sa kanyang sunod-sunod na post sa Instagram na talagang nag-enjoy si Arci sa ganda ng tanawing masisilayan dito at pati na rin ang masasarap na pagkain sa lungsod. Pag-amin nga ni Arci ay mahilig talaga siya sa mga food and travel shows kung kaya’t nais rin niyang subukan ang kanyang mga napapanood.

Photo credits to the owner

“I’m a big fan of food/cooking/travel shows!!!! I love to eat as much as I love to cook. So Ain’t gonna miss ze chance to try these restos from ze netflix show #freshfriedandcrispy #bikerjims #bigmacandlittlelus when yer in town swing by and try ze rattle snake hotdogs!! Hehe”

Makikita naman sa Instagram post ni Arci noong Agosto 21, 2021 na isa na namang masayang adventure ang kanyang ginawa. Sa nasabing larawan ay makikitang nagmamaneho at sakay ang aktres ng isang RV o recreational vehicle na kung saan ay may sariling living quarters na kinakailangan sa oras ng mahabang byahe. Ibinahagi rin ni Arci ang isang video kung saan ay enjoy na enjoy naman siya sa pakikinig sa kanta ng kanyang paboritong K-Pop Group na BTS. At  ayon pa nga kay Arci, ay naagawa niyang puntahan ang 3 states sa loob lamang ng 11 na oras.

Photo credits to the owner

“Cray cray!! I drove 11hrs, 706 miles, crossed 3 states! Welcome to Arizona!!!,”caption ni Arci sa kanyang post.

error: Content is protected !!