Connect with us

Entertainment

Arci Muñoz, Ibinahagi ang Kanyang Masayang Pamamasyal sa Hollywood at New York City

Matapos ang masayang road trip adventure ng napakaganda at seksing aktres na si Arci Muñoz sa Colorado at New Mexico noong nakabuwan ng Agosto, ay tila hindi naman dito natatapos ang masayang bakasyon ng aktres. Dahil nito lamang buwan ng Setyembre, ay muling nagbahagi ang aktres sa kanyang Instagram ng kanyang mga larawan na kuha sa bago niyang bakasyon.

Credits : Arci Muñoz | IG

At sa pagkakataong ito, ay nagbakasyon si Arci sa US kung saan nga ay binisita niya ang East at West coast. Naging sunod-sunod ang pagpost ng aktres sa Instagram para ipasilip sa kanyang mga tagahanga ang masaya niyang bakasyon. Makikita nga na nitong nakaraang linggo lamang, ay enjoy na enjoy ang aktres sa kanyang pagsa-shopping sa pinakasikat na landmark sa New York, ang Times Square.

Sa isa namang IG post ng aktres, ay makikita na noong ika-11 ng Setyembre ay bumisita si Arci sa New York Fire Department. Kabilang ang mga fire fighters na ito ng NYFD sa mga respondents sa hindi makakalimutang insidente ng terror attack sa World Trade Center na naganap noong September 11, 2001.

Credits : Arci Muñoz | IG

Ibinahagi ni Arci ang isang larawan kung saan kasama niya ang mga fire fighters na nagsilbing bayani sa naganap na terror attack. Sa caption ng kanyang post, ay binigyang pugay naman ng aktres ang kabayanihan ng mga ito.

“Last September 11, we visited the fire fighters of FDNY engine ladder 6 to thank them for their service and let them try the best Filipino resto in New York tradisyonnyc thank you for everything you’ve done. Salute and much love to the dragon fire fighters! #neverforget911”

Credits : Arci Muñoz | IG

Samantala, sa kanyang pananatili naman sa West coast, ay masayang ibinahagi ng aktres na naging bahagi siya ng music video ng US-based rapper na si King Tomoro at Sean Kingston. Makikita rin sa iba pang larawan na nakita at nakasama rin ni Arci ang kapwa Kapamilya artist na si Ylona Garcia sa isang event na naganap sa Yamashiro sa Hollywood, California.

“Another star studded evening yamashirola with 50cent. Of course my baby girl ylonagarcia lemme just say that I’m really proud of you! Guys!! Stream #dontgochanging And also lovely meeting break.records djswivel co song producer of #bts !!! I apologize for bugging ya with my questions about the boys. Thank you chefvallerie for always accommodating us!! Love ya tita! See ya very soon!”

Credits : Arci Muñoz | IG

Agaw pansin naman ang natatanging kagandahan ni Arci sa kanyang buhok na kulay emerald green na bagay na bagay naman talaga sa kanya. Maliban sa kanyang masayang pamamasyal, ay ibinahagi rin ni Arci ang impromptu pictorial habang siya’y nasa isang wine tasting trip sa Napa Valley at ito nga ang napakagandang Castello di Amorosa winery, na kilala bilang replica ng 13th-century Tuscan castle.

Credits : Arci Muñoz | IG

Hindi naman binigo ni Arci ang kanyang mga fans na masilayan ang kanyang taglay na kagandahan sa kanyang mga magagandang OOTD na kanyang suot sa mga lugar na kanyang pinuntahan.

error: Content is protected !!