Connect with us

Entertainment

Arci Muñoz, Ibinahagi ang Kanyang 11-Hour Road Trip sa US Sakay ng Isang Recreational Vehicle

Ang aktres na si Arci Muñoz ay talaga namang enjoy na enjoy kanyang bakasyon sa US. Matatandaan na unang linggo pa lang ng buwan ay lumipad na patungong Amerika si Arci upang magbakasyon. At una nga niyang ibinahagi nito lamang ika-9 ng Agosto sa Instagram para masilayan ng kanyang mga tagahanga ay ang larawan nila ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao nang bisitahin niya ito sa Las Vegas.

Credits: Arci Muñoz | Instagram

Credits: Arci Muñoz | Instagram

Makikita rin na maliban sa kanilang larawan, ay nakakuha rin ng autograph si Arci mula kay Manny sa kanyang boxing gloves.

Matapos nito, ay makikita ring dumalo pa si Arci sa kasal ng isa sa kanyang mga best friends na si Carla Carnduff sa Albuquerque, New Mexico. Mas sinulit pa ng aktres ang kanyang pamamasyal dahil matapos niyang mag-sightseeing sa Old Albuquerque, ay nagtungo naman siya sa Denver, Colorado para makasama naman niya ang iba pa niyang mga kaibigan.

Credits: Arci Muñoz | Instagram

At pagdating nga sa Denver, Colorado na isa sa pinakakilalang lungsod sa USA, ay walang pinalampas na sandali si Arci na libutin ang ganda ng lugar. Maliban sa kanyang pagsa-sightseeing, ay makikitang enjoy na enjoy rin ang aktres sa pagkain ng iba’t ibang dishes. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Arci ang nakakatagam na mga pagkain sa kanyang harapan at nilakipan ng caption na:

“I’m a big fan of food/cooking/travel shows!!!! I love to eat as much as I love to cook. So Ain’t gonna miss ze chance to try these restos from ze netflix show #freshfriedandcrispy #bikerjims #bigmacandlittlelus when yer in town swing by and try ze rattle snake hotdogs!! Hehe.”

Credits: Arci Muñoz | Instagram

Ngunit, hindi pa dito natatapos ang masayang adventure ni Arci dahil nito lamang ika-21 ng Agosto, ay ibinahagi na naman niya ang kanyang latest trip sa USA. Sa Instagram, ay ibinahagi ni Arci ang larawan kung saan makikitang sakay at minamaneho niya ang isang RV o recreational vehicle. Ito ay isang trailer na kung saan ay may kasamang living quarters na nagsisilbing pahingahan habang nasa mahabang biyahe.

Masaya ring ibinahagi ng BTS fan ang isang video kung saan makikita pinapatugtog niya ang musika ng kanyang paboritong K-Pop group habang nasa biyahe. Isinama naman ng aktres sa isang IG post ang larawan ng road map mula sa Colorado hanggang sa makarating siya ng Arizona. At ayon nga kay Arci, ay inabot siya ng 11 oras para marating ang kanyang destinasyon.

Credits: Arci Muñoz | Instagram

“Cray cray!! I drove 11hrs, 706 miles, crossed 3 states! Welcome to Arizona!!!”

Matatandaan na noong nakaraang taon sa isa ring US trip, ay masaya rin ang naging bakasyon ni Arci. Iba’t ibang party ang kanyang dinaluhan katulad na lamang nga ng pagdalo niya sa Hollywood Gala and the Oscars after-party. At dito nga ay nakadaupang palad niya ang mga sikat na Hollywood stars tulad ng aktres na si Michelle Rodriguez sa Fast and The Furious at Parasite actor na si Sang Kang-ho at director na si Bong Joon-ho.

error: Content is protected !!