Arci Muñoz Natupad na ang Pangarap na Mapasyalan ang Lahat ng Disney Land Park sa Ibat-ibang Panig ng Mundo

Sino ba naman ang hindi gusto na makapunta sa isa sa pinakasikat at kilalang park sa buong mundo walang iba kung hindi ang “DisneyLand”. Marahil dahil sa kakaibang kasiyahan ang naihahatid nito mula sa mga bata hanggang sa mga matatanda kung kaya bidang bida ito sa mga puso at isipan ng mga bawat dumarayo dito.



Sa kabilang banda matagal na talagang pangarap ng aktres singer na si Arci Muῇoz na mapuntahan ang lahat ng Disney Land Park na kilalang pasyalan hindi lamang dito sa ating bansa maging sa buong panig ng mundo.

Photo credits: ramonathornes | Instagram

At kamakailan lang ay natupad na ito ng mapuntahan na niya ang ika-anim na Disney Land na matatagpuan sa Shanghai, China na pinakahuli niyang narating sa lahat. At sa loob ng ilang panahon ay nabisita na rin niya ang mga DisneyLand sa mga lugar na Tokyo, Hongkong, Paris, Orlando at Anaheim.

Samantala, kilala talagang mahilig sa Disney ang 30 taong gulang na dalaga mula sa kilalang Disney theme na pasyalan, maging sa mga sikat na Disney character na bumida sa ilang mga pelikula.

Photo credits: ramonathornes | Instagram

Sa katunayan nga, sa ilang kaarawan ay nagbihis siya ng mga kasuotang gaya ng character sa Disney katulad na lamang ng damit ni Snowhite noong siya ay magdiwang ng ika-28 kaarawan, at noong ika-29 niyang kaarawan naman ay bilang si ‘Belle’ ng Beauty and The Beast gayundin nitong katatapos lang niyang kaarawan kung saan nagbihis siya bilang Elsa mula sa pelikulang ‘Frozen’ na talaga namang sikat na sikat sa mga bata.



Photo credits: ramonathornes | Instagram

Sa bawat pagbisita ng Kapamilya artist sa sikat na pasyalan ay palagi niyang suot ang mga paboritong damit na ‘disney inspired’ character katulad na lang nina Mickey Mouse at Minnie Mouse gayundin si ‘Jack Skellington ng Disney movie na “The Nightmare Before Christmas”.

Photo credits: ramonathornes | Instagram

Sa kanyang Instagram account ay makikita ang kanyang larawan na masayang masaya nakapose sa harap ng sikat na pasyalan na nilagyan ng mensahe na, “Once upon a time, there was a little princess who only dreams of going to all the Disneyland in the world… Believe in the magic! Dreams do come true. #disneyland #disneyprincess #shanghai #japan #orlando #california #paris #hongkong”.

Photo credits: ramonathornes | Instagram

Samantala isang short video clip sa Instagram ang ibinahagi ng “Open” actress kung saan masayang maririnig ang magandang dalaga na sinasabing “my final Disney land”.



Photo credits: ramonathornes | Instagram

Masasabing naging masaya si Arci na matupad ang isa sa mga pangarap niya na sa buhay ang makarating at mapuntahan ang mga Disneyland park na tunay na maituturing na isang malaking achievement para sa dalagang aktres.