Connect with us

Entertainment

Ara Mina, Proud na Ipinakita ang Throwback Photos ng Kaniyang Mommy na Dati ay Isang Beauty Queen

Maituturing na dalawa sa pinakamagagandang aktres sa industriya ng showbiz ang magkapatid na sina Ara Mina at Cristine Reyes kaya naman umaapaw ang kanilang mga taga-suporta mula noon hanggang ngayon. Maliban sa kanilang taglay na natural na kagandahan, hindi rin matatawaran ang kanilang galing sa pag-arte sa iba’t ibang pelikula sa telebisyon. Ilan nga sa mga pelikulang ito ay talagang sumikat. Nagkaroon din ang magkapatid ng ilang parangal mula sa mga pelikulang ito.

Photo credits: google.com

Marami ring endorsements ng make-up at beauty brands ang dalawa. Naging modelo rin sila para sa iba’t ibang magazines. Maging si Cristine ay naging cover na ng ilang magazines. Dahil dito, hindi maiwasan ng kanilang mga tagahanga na magtanong kung kanino nga ba nakuha ng magkapatid ang kanilang kagandahan.

Photo credits: google.com

Sa isang social media post ni Ara Mina, tila nasagot nga ang katanungan na ito nang ibahagi niya ang throwback photos ng kaniyang ina. Sa mga larawan na kuha pa noong 1967, makikita ang kanilang nanay noong kabataan nito na mistulang nasa isang beauty pageant at kinokoronahan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Bukod sa maaari itong maituring na isa sa mga alaala ng kanilang nanay noong kaniyang kabataan, talagang mahalaga ang litrato na ito dahil kakaunti na lamang ang natitirang mga litrato ng kanilang pamilya at isa ito sa iilang mga kagamitan na kanilang naisalba noong nasalanta ang kanilang tahanan ng bagyong Ondoy. Ayon din kay Ara Mina, isa umano itong restored photo ng kaniyang mommy nang manalo ito sa patimpalak na Mutya ng Pasig noong 1967.

Photo credits: google.com

Kahit na napakatagal na ng litrato na ito, makikita na talagang napakaganda ng kanilang mommy. Ayon pa kay Ara Mina, Filipina-German ang kaniyang mommy kaya naman talagang napakaganda nito. Maging sa mga bagong larawan ng ina nina Ara Mina at Cristine, mapapansin pa rin ang kagandahan nito.

Photo credits: google.com

Mapapansin din ang pagkakahawig nina Ara Mina at Cristine sa kanilang mommy kaya naman masasabing nakuha nila ang kanilang kagandahan mula sa kanilang mommy.

Photo credits: google.com

Sang-ayon din naman ang mga followers ng aktres dito. Marami ang nagkomento at pumuri sa kagandahan ng mommy ni Ara Mina. Ayon pa sa ilang netizens, talagang hindi maipagkakaila ang pagiging magkamukha ng aktres at ng kaniyang mommy lalo na noong kabataan nito.

error: Content is protected !!