Connect with us

Entertainment

Ara Mina, May Sweet na Mensahe para sa Soon to be Husband nitong si Dave Almarinez, Hinangaan niya ito at Ipinagmamalaki

Mas lalong naging masaya at makulay ang buhay ng aktres na si Ara Mina magmula ng maging parte ng buhay niya ang kanyang soon to be husband na si Dave Almarinez.

Ang 42 taong gulang na aktres na si Ara Mina ay na-engaged noong nakaraang buwan ng Enero sa kanyang fiancee na si Dave na president and CEO of Philippine International Trading Corporation (PITC). Tila nga walang kapantay na kaligayahan ang hatid ni Dave sa maganda at seksing aktres.

Photo credits: Ara Mina | IG

At bilang isang babae nga, ay talagang kakaiba ang pakiramdam ni Ara Mina kung paano siya nito mahalin at pahalagahan. Kaya naman, nitong araw ng Miyerkules, ika-9 ng Hunyo ay isang nakakaantig na post at nakapa-sweet na mensahe ang ipinaabot ni Ara sa kanyang fiancee upang ipadama ang kanyang pasasalamat at paghanga sa ipinapakitang kabutihan, kasipagan at pagiging mapagbigay nito.

Photo credits: Ara Mina | IG

Sa unang bahagi ng mensahe ni Ara Mina sa kanyang fiancee, ay sinabi nito kung gaano siya ka-proud rito lalo na sa napakabuting puso na taglay nito. Mas lalo namang hinahangaan ni Ara ang pagiging mapagkumbaba ni Dave na ang tanging hangad sa ibang tao ay magandang intensyon.

Photo credits: Ara Mina | IG

May pagmamalaki ring ibinahagi ni Ara ang kasipagan at pagsisikap ng kanyang fiancee dahilan upang makamit nito ang tinatamasang tagumpay ngayon. Bukod rito, ay pinasalamatan rin ni Ara ang malawak nitong pang-unawa sa kanyang trabaho.

Sa pagpapatuloy, ay sinabi naman ni Ara na mas lalo niyang minahal ang kanyang fiancee dahil sa pagmamahal nito sa pamilya, at ito nga ang klase ng taong kanyang ipinagdadasal upang makasama sa buhay.

Nangako naman si Ara na ibabalik niya kay Dave ang pagmamahal at pag-aalagang ibinibigay nito sa kanya. Naniniwala naman si Ara na may dahilan ang Diyos kung bakit sila magkasama ngayon. Ang Diyos naman ang sentro ng kanilang pagmamahalan, kaya naman alam ni Ara na kahit anong pagsubok ang dumating sa kanilang buhay, ay tiyak na magtatagumpay sila at malalampasan ito.

Photo credits: Ara Mina | IG

Hindi maikakaila na ang nakakaantig na mensahe ni Ara ay sumasalalim sa tunay at wagas na pagmamahal niya sa kanyang soon to be husband na si Dave. Napakapalad rin ni Ara dahil natagpuan niya sa katauhan ni Dave ang taong matagal na niyang pinapangarap sa kanyang buhay.

Narito ang mahaba at nakakaantig na mensahe ni Ara kay Dave na puno ng pasasalamat at pagmamahal:

“Just want to let you know, Dave, that I admire you so much dahil sa maraming magandang bagay tungkol sa ‘yo. Hindi ako magsasawang ipagmalaki ang kabutihan ng puso mo. Maraming magpapatunay niyan. Kahit yung mga taong ‘di gumagawa ng mabuti sa ‘yo alam nila sa sarili nila kung gaano ka kabuting tao. Kahit kailan wala akong nakitang kayabangan sa ‘yo, punong puno ng magagandang intensyon ang lagi ko naririnig tuwing nagkukuwento ka at may mga plano ka lalo para sa ibang tao, at dun kita lalong hinangaan.”

“Wala na siguro ako makikilala na kasing sipag at tiyaga mo,” she continued. “Ang sarap lang ipagmalaki na kung ano man ang meron ka ngayon ay dahil sa sariling sikap. Nagpapasalamat din ako sa pagiging maunawain mo lalo sa trabaho ko. Matagal na naman tayong ‘di magkikita dahil nga sa lock-in ang taping namin simula nitong pandemic. Pero ramdam ko lagi yung support mo.”

“At lalo kitang minahal sa pagiging mapagmahal mo sa pamilya dahil ‘yan ang lagi kong pinagdadasal sa makakasama ko habang buhay. Sayang at ‘di ko na nameet ang parents mo para magpasalamat sa pagpapalaki ng isang taong napakabuti at hinahangaan ng marami. Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga mo sa ‘kin.”

“Naniniwala ako na may dahilan ang Diyos sa pagsasama natin. Dave, sabay natin gagawin ang mga misyon natin na maging instrument ng love ni God. Kaya kahit anong pagsubok ang dumating alam kong God’s plan will always win.”

error: Content is protected !!