Connect with us

Entertainment

Ara Mina, Ikinasal na sa Kanyang Businessman Fiancee na si Dave Almarinez sa Baguio, Ilan sa kanyang mga Bisita mga Bigating Artista

Ang napakagandang aktres na si Ara Mina ay ikinasal na sa kanyang businessman fiancee na si Dave Almarinez, nito lamang ika-30 ng Hunyo na naganap sa Baguio.

Sa pamamagitan ng isang engrandeng seremonya ay isinakatuparan nina Ara Mina at Dave ang kanilang pag-iisang dibdib na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. At ito ay naganap nito lamang araw ng Miyerkules sa Alphaland Baguio Mountain Lodges.

Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ng Nice Print Photography na talagang napakabongga ng seremonya ng kasal nina Ara at Dave. Masisilayan sa mga larawan na talagang lumutang ang natatanging kagandahan ng bride na si Ara Mina sa suot niyang queen-inspired gown na dinisenyo ni Leo Almodal. Samantalang ang groom naman na si Dave, ay suot ang blue suit na obra naman ni Francis Libiran. Hindi maikakaila na talagang bagay na bagay ang newly wed sa isa’t isa sa kanilang mga kasuotan.

Samantala, matapos magpalit ng damit mula sa kanilang sagradong seremonya, ay makikita sa pangawalang kasuotan ng bagong kasal na likha pareho ni Francis Libiran na sadyang napakaganda ni Ara, at makisig naman ang asawa nitong si Dave. Si Ara ay makikitang nakasuot ng mermaid white dress habang si Dave ay nakasuot ng white tuxedo na pinaresan naman ng black vest.

Photo credits: google.com

Base naman sa mga larawan, ay marami sa mga mahal sa buhay ni Ara, at mga kaibigan nila sa showbiz ang dumalo upang ipakita ang pagsuporta sa pag-iisang dibdib nila ni Dave. Makikita nga na naroon ang kapatid ni Ara na si Christine Reyes. Ilan naman sa mga sikat na celebrities sa showbiz na dumalo sa kasal nina Ara at Dave ay sina Sunshine Cruz, Jenny Miller, Barbie Imperial, Diego Loyzaga, Melissa Ricks, Samantha Bernardo, Jaycee Parker, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, at Jayda Avanzado.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Kapansin-pansin naman na nasilayan rin sa espesyal na okasyon si Patrick Meneses, ang dating partner ni Ara Mina at ama ng kanyang anak na si Amanda. Tila nga sa kabila ng kanilang paghihiwalay, ay maayos naman ang kanilang relasyon bilang magkaibigan.

Matatandaan na noong buwan ng Enero nang ma-engaged si Ara sa kanyang asawa na ngayon na si Dave Almarinez na president at CEO ng Philippine International Trading Corporation (PITC). Sa Instagram, ay masayang ibinalita ni Ara ang espesyal na kaganapang ito sa buhay niya kung saan pinasalamatan niya si Dave sa pagdating nito sa buhay niya upang tuparin ang matagal na niyang ipinagdarasal.

β€œToday I have received the most perfect gift from God. A prayer I have always been sincerely trusting Him to bring into my life. Dave, thank you for being my answered prayer.”

β€œThank you for not giving up on me. You are the reason why we have stronger days together. God led us to each other for a greater purpose. Let us both live it with faith and love. Yes, I will marry you.”

error: Content is protected !!