Connect with us

Stories

Anthony Taberna, Hinangaan ang Anak na Si Zoey sa Ipinakita Nitong Tapang ng I-Shaved na Ang Buhok Nito Dahil sa Pagkakaroon ng Sakit na Leukemia

“Parang guguho ang mundo naming mag-asawa lalo’t si Zoey noon ay 11-taong gulang pa lamang, ay nakikita naming nahihirapan”,

ito nga ang naging pahayag ng broadcaster na si Anthony Tabera, ng isapubliko nito na ang isa sa kanyang dalawang anak na babae, ay mayroong sakit na Leukemia.




Maraming mga netizens ang nakisimpataya, at nagpahayag ng kanilang pagbibigay dalangin para sa anak ni Anthony Taberna. Ito ay dahil nga sa pagkakaroon ng nasabing dalaga, ng leukemia, isang karamdaman.
Si Anthony Taberna, ay isa sa mga hinahangaan at kilalang broadcaster sa larangan ng pamamahayag sa telebisyon. Ang kanyang asawa ay si Rossel Taberna, at sila ay nabiyayaan nga ng dalawang anak na babae, na sina Zoey at Helga.

Nito nga lamang ika-2 ng Disyembre 2020, araw ng Miyerkules ay dalawang magkasunod na post ang ibinahagi ng DZRH anchor sa kanyang Facebook at Instagram, kung saan ay makikita nga ang naging pagbabahagi ni Anthony ng larawan na kuha sa naging pagpapakalbo ng anak niyang si Zoey.

Ayon nga kay Anthony, dahil sa nalalagas na ang buhok ng panganay niyang anak epekto ng ginagawa nitong chemo therapy, ay kinakailangan ng kalbuhin ang buhok nito.

Photo credits: iamtunying28 | Instagram

“Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito”, ang naging saad nga ng Dos Por Dos host.

Dagdag pa ng DZRH anchor, ng araw na kakalbuhin ang kanyang anak, ay umalis na muna siya, dahil sa hindi niya kayang makita na nasa ganoong kalagayan ang anak. Bilang isang ama, ay hindi rin umano niya napigilan ang mapaluha, ng mapanood nag video kung saan ay makikita na kinakalbo ang anak.

“Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag-umpisang malagas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy.

“Nung pumayag si Zooey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako”, saad ng ani Anthony.

Ibinahagi rin ni Anthony Taberna, ang ipinakitang tapang ng kanyang panganay na anak.

Aminado din siya, na akala niya ay malakas na siya, na kaya na niyang makita ang ganung sitwasyon ng anak, ngunit mali, dahil marupok pa rin siya, at nasasaktan sa nakikita niyang kalagayan ni Zoey.

“Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey.

“At tuwing makikita ko iyon, hindi ko mapigil ang pagpatak ng aking luha.

“Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey.

“Pero nung makita ko na ipinost niya, nagpa-alam ako na ipo-post ko rin.

“Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey.”

Samantala, sa magkaibang post naman, ay nagawang ibahagi ni Anthony kung paano nila natukoy na ang panganay nilang anak na si Zoey, ay mayroon ng sakit na Leukemia.

Photo credits: iamtunying28 | Instagram

Ayon nga sa post, isang taon na ng malaman nila ang karamdaman na ito ng kanilang panganay na anak. sa naging paglalahad ni Anthony, ay sinabi nito, na dumating lang ang isang umaga, na ginising siya ng kanyang anak na si Zoey at ito’y umiiyak at dinadaing ang sakit ng kanyang mga binti na umaabot sa kanyang mga hita.

Noong una umano, ay inakala lamang nina Anthony na ang karamdamang ito ng kanyang anak, ay isang simpleng karamdaman lamang sa buto, ngunit ng ito ay ma-check na nga ng kaibigan niyang doktor na si Doc Frank ay sinabi nito sa kanila, na malubha ang sakit ni Zoey.

Photo credits: iamtunying28 | Instagram

Una ngang isinugod si Zoey sa Delos Santos Medical Center, at ng malaman na malubha ang kundisyon nito ay inilipat ito sa katabing hospital sa St. Lukes, kung saan ay ang nangalaga rito ay ang doktor na si Doc Allan Robert Racho.




“Si Zoey ay inilipat namain sa katabing hospital na St Lukes sa pangangalaga ni Doc Allan Robert Racho.

“Doon, nakumpirma, ang aming panganay ay may bone marrow disease na sa bandang huli ay natukoy bilang LEUKEMIA.

Sa pangyayaring ito, ay mas lalo pa nga ang naging pagdadasal ng mag-asawa sa Itaas, na ang tanging hinihiling ay ang pag-galing ng anak sa naturang karamdaman.

Nagpapasalamat naman ang mag-asawa, dahil isang taon na mula ng malaman nila ang karamdaman ng anak, at nakikita nila rito ang pag-buti ng kalagayan nito.

Sa huling bahagi nga ng post ni Anthony Taberna, ay makikita ang naging mensahe niya sa anak.

“Salamat sayo, Anak… Zoey… inspirasyon ka namain dahil sa yong katapangan at lakas.

“Wag kang mag-alala, maganda ka pa rin! Mahal na mahal ka naming ng Mommy mo at ni Helga.”

Photo credits: iamtunying28 | Instagram

Sa naging paglalahad naman na ito ni Anthony Taberna, sa karamdaman na patuloy na nilalabanan ng kanyang anak na si Zoey, ay bumuhos naman ang dasal ng mga netizens para sa patuloy na kalakasan at kagalingan ng kanyang panganay na anak.

error: Content is protected !!