Connect with us

Entertainment

“Another blessing”: Kaye Abad, Masayang Ibinahagi ang kanyang Pagbubuntis sa Pangalawa nilang Anak ng kanyang Asawang si Paul Jake Castillo

Isang magandang balita ang hatid ng aktres na si Kaye Abad sa kanyang mga tagahanga. Ito nga ay matapos ianunsiyo ng aktres na isa nang ganap na kuya ang kanyang panganay na anak na si Joaquin.




Nito lamang ika-27 ng Pebrero, araw ng Sabado ay masayang ibinahagi ni Kaye sa Instagram na nasundan na nga at may inaasahan nang kapatid ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Paul Jake Castillo. Isang larawan ang ibinahagi ng aktres kung saan makikita si Joaquin na may hawak na isang sonogram.

Nilakipan naman ito ng caption ni Kaye na:

“Yey!!!!! I’m going to be a kuya! #anotherblessing.”

Walang pagsidlan ng saya ang mag-asawang Kaye at Paul sa panibagong biyaya na ipinagkaloob sa kanilang pamilya. At ang pagdating ng sanggol na nasa sinapupunan ng 38 taong gulang na aktres, ngayon pa lang nga ay kanila nang inaabangan. Tiyak na kapag lumabas na ang munting anghel ng kanilang pamilya, ay mas lalong magiging masaya at makulay ang kanilang buhay.

Samantala, bumuhos naman ang pagbati mula sa kanilang mga kaibigan sa showbiz. Narito ang kanilang komento:

“Waaaaahhhhhh! Wow! Congratz my mars i love u so much @kaye_abad,” komento ni Kitkat.

“Yeheeey marsss! Ayan na! Congrats!”saad naman ni Regine Angeles.

“Congrats ate Kaye!!! 😘😘😘”pahayag ni Charee Pineda.

Bumati rin ang ilan pa nilang kaibigan na tulad nina Heart Evangelista, Jodi Sta. Maria, Mariel Rodriguez, Carlo Aquino, LJ Reyes, Ynna Asistio, at Kris Bernal.

Matatandaan na ikinasal si Kaye Abad noong Disyembre 2016 sa kanyang asawang si Paul Jake Castillo na dating Pinoy Big Brother housemate at ngayon ay isa nang matagumpay na negosyante sa Cebu.

Photo credits: kaye_abad | IG

Photo credits: kaye_abad | IG

Isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib ay isinilang ni Kaye ang kanilang panganay na anak na si Pio Joaquin noong Disyembre 2017, at ngayon nga ay tatlong taong gulang na ito. Magmula naman ng ikasal sila, ay sa Cebu na sila nanirahan ng kanyang pamilya na talaga namang masaya at puno ng pagmamahal.




Photo credits: kaye_abad | IG

Photo credits: kaye_abad | IG

Noong 2018, nang makapanayam sa Rated K, ay sinabi ng aktres na ang maging isang ina ay maituturing niyang pangarap na nabigyang katuparan.

“Dream come true siya super saya. Kasi dati sabi ko parang hindi pa ako ready. Eto na siya, totoo na talaga ito, may anak na ako.”

error: Content is protected !!