Connect with us

Entertainment

“Another answered prayer”: Kristine Hermosa-Sotto, Masayang Ibinahagi ang Kanyang Pagbubuntis sa Panglimang Anak nila ng Kanyang Asawang si Oyo Boy Sotto

Labis ang kaligayahang nadarama ngayon ng celebrity couple na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa. Ito nga ay dahil isa na namang biyaya ang ipinagkaloob sa kanilang pagsasama.




Taong 2011, nang ikasal sina Oyo Boy at Kristine sa isang engrandeng kasalan na naganap sa Batangas. Samantala, bago pa man ikasal si Kristine kay Oyo, ay may adopted child na ang aktres, ito nga si Kristian Daniel, na itinuturing na panganay na anak ng mag-asawa. Sa kaparehong taon naman ay isinilang ni Kristine ang biological child, o panganay nilang anak, na nagmula sa kanila, si Ondrea Bliss.

Photo credits: Kristine Hermosa | Instagram

Hindi naman maikakaila na puno ng saya at pagmamahalan ang pamilya nina Oyo at Kristine. Sa katunayan nga nito, ay makulay na makulay ang kanilang pamilya dahil sa 2 pa nilang anak na si Kaleb Hanns na isinilang ni Kristine noong 2014, ang pangatlo nilang anak at pang-apat naman na si Marvic Valentin na isinilang naman ng aktres noong 2016.




Mas lalo namang magiging makulay at masaya ang pamilya ng mag-asawa, dahil ang kanilang bunsong anak na si Marvic Valentin, ay nasundan na. Ngayon nga, ay inaasahan na ng mag-asawa ang nalalapit na pagsilang ni Kristine sa kanilang pang-limang anak.

Ang magandang balita na ito, ay inanunsyo ni Kristine sa kanyang Instagram account. Nito lamang ika-10 ng Disyembre, ay ibinahagi ng aktres ang kanyang pagbubuntis. Kalakip ang larawan ng pregnancy test na masisilayan ang positibong resulta ay labis ang pasasalamat ng aktres.

“Another answered prayer ???? Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon,”saad ni Kristine sa kanyang post.

Maliban naman sa pregnancy test, ay ipinasilip rin no Kristine ang sonogram, at sulat ng kanyang anak na Ondrea, na ang tanging hiling ay bigyan sila ng isang baby girl.

Samantala, nagpasalamat rin ang aktres Diyos, sa pahabol na surpresa na ipinagkaloob sa kanilang pamilya. Maging ang buong taon na puno ng biyaya ay pinasalamatan rin ng aktres.

“Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. Thank you, Lord for sustaining us this entire year… pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God. Kung wala Ka, di namin alam kung saan kami pupulutin.”

Photo credits: Kristine Hermosa | Instagram

Sa huli ay ipinaabot naman ni Kristine sa kanyang mensahe ang kanyang pagmamahal sa kanilang mga anak, at sa sanggol na sa kanyang sinapupunan.

“All glory to you God. Salamat sa pagmamahal mo sa amin. ️ I LOVE YOU SO MUCH JESUS — I love you Oyo, Kiel, Dre, Kaleb, Vin & baby in my belly.”

error: Content is protected !!