Connect with us

Entertainment

“Ano magiging anak namin…hipon?” Willie Revillame , Nais Panagutin ang Mga Taong Nagpapakalat ng Fake News na Nabuntis Umano Niya ang Co-host sa Wowowin na si Herlene Budol

Ang napakaganda at napakaseksing si Herlene Budol na kilala rin ng lahat bilang si Hipon Girl, ay isa nga sa mga co-host ng programang Wowowin na nagbibigay saya at kulay sa programa tuwing hapon sa GMA Network. Maraming manonood ang natutuwa at napapaligaya ni Hipon lalo na’t natural na natural ang kanyang pagkatao, at talagang mahusay siya sa pagpapatawa.

Photo credits: google.com

Ngunit, ang kinagigiliwan ng lahat na si Hipon, ay hindi na nga ngayon napapanood sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. At sa biglaang pagkawala ni Hipon sa programa, ay ang paglabas naman ng samu’t saring usapin tungkol sa dalaga.

Photo credits: google.com

Ang isa nga sa inilalabas na kwento ng mga taong may makakating dila, ay nabuntis umano ni Kuya Wil si Hipon kaya ito umalis sa Wowowin. At ang bagay na ito, ay mariing itinanggi ni Kuya Wil at nilinaw rin ang isyu na fake news lamang ito. Hindi nga nakapagtimpi pa ang TV host, dahil nais rin niyang panagutin ang mga nagpapakalat ng fake news.

Photo credits: google.com

Sa July 1 episode ng programang Wowowin, habang namimili sa screen ng mananalo sa segment na Tutok to Win, ay nadako ang paningin ni Kuya Wil sa larawan ni Hipon. At dito nga nilinaw ng 60 anyos na TV host, na fake news ang kumakalat na balita na nabuntis niya si Hipon kaya ito umalis sa programa.

“Iki-clear ko lang. Nachi-chismis ho eh nagkaanak daw ako lay Hipon at buntis daw. Hindi totoo yan. Puro fake news ‘yang ginagawa niyo.”

Photo credits: google.com

Hindi rin nakaligtas kay Kuya Wil, ang fake news patungkol sa kanyang kaibigang si Kris Aquino. Ayon nga kay Kuya Wil ay huwag basta maniwala sa mga sabi-sabi dahil ito’y walang katotohanan at fake news lamang.

“Pati kay Kris Aquino. Mahiya naman kayo. Huwag kayong maniniwala dyan. Pati mga taong nanahimik.”

Photo credits: google.com

Dahil nga sa kumakalat na fake news ay nais na panagutin ang mga taong nagpapakalat nito. Ayo nga kay Willie, ay papaimbestigahan niya ang detalye kung saan nagmula at kung sino ang pinagmulan ng tsismis para maireklamo umano niya sa National Bureau of Investigation.

“Paano ba ireklamo ‘yan sa NBI? Hanapin n’yo nga ‘yung Facebook (account). E, kaya raw nawala si Hipon, nabuntis ko.”

“Kaya daw nawala si Hipon nabuntis ko. Ano magiging anak namin…hipon?,”biro naman ni Kuya Wil.
“Wala kayong magawa sa buhay pati mga taong nanahimik.”

Photo credits: google.com

Umani naman ng samu’t saring reaksyon ang isyung ito ni Hipon at Kuya Wil mula sa mga netizens. May ilan nga na ipinagtanggol si Kuya Wil at Hipon, may ilan naman na natatawa na lamang sa kumakalat na tsismis na kagagawan ng mga taong walang magawa sa buhay.

error: Content is protected !!