Connect with us

Entertainment

Anne Curtis, Ipinasilip Ang Kanilang Masayang Snow Adventure Sa Finland

Enjoy na enjoy ngayon ang aktres na si Anne Curtis sa isang masayang bakasyon sa Finland kasama ang kanyang asawang si Erwan Heussaff at napakacute na anak na si Dahlia. Kung ang ilang celebrities ay nagtungo sa beach para mag-enjoy, ang pamilya ni Anne ay mas pinili ang magbakasyon sa isang malamig na lugar na nababalotan ng snow.

CREDITS: Anne Curtis| YT

Sa kanyang Instagram account, ay naging sunod-sunod ang pagpost ni Anne ng mga larawan at video na kuha sa kanilang masayang bakasyon sa Finland. Isa na nga rito ang staycation ng kanilang pamilya sa isang glass igloo sa Levi, Finland kung saan nga ay talagang nag-enjoy ang kanilang pamilya.

CREDITS: Anne Curtis| YT

Sa kabila naman ng malamig na panahon, kung saan nga ang lugar ay nababalutan ng snow, ay pinabilib ni Anne ang kanyang mga tagahanga matapos niyang ibahagi ang kanyang larawan sa Instagram, kung saan makikitang looking hot parin siya habang naliligo sa pool at nakarelaks lang na animo’y hindi nilalamig.

CREDITS: Anne Curtis| YT

Nag-viral rin ang larawan na ibinahagi ni Anne sa Instagram, kung saan masisilayan ang kanyang kagandahan at kaseksihan sa gitna ng malawak na kulay puting snow. At sa caption nga ng kanyang post ay sinabi ng aktres na:

“The cold never bothered me anyway”.

Makikita rin sa bakasyon nila sa Finland ang masayang bonding moments ng kanilang pamilya kung saan nga ay nakatuon ang atensyon kay Dahlia. Ang napakacute at bibong batang si Dahlia, ay enjoy na enjoy rin sa kanyang first snow experience. Makikita nga na napakahands on ni Anne kay Dahlia kahit pa sila’y nasa bakasyon. At talaga namang sinulit ng mag-ina ang masaya nilang bonding moments.

CREDITS: Anne Curtis| YT

Ngunit, hindi naman dito natatapos ang masayang bakasyon ni Anne sa Finland. Sa isang maikling video nga na naglalaman ng mahigit isang minuto, ay ipinakita naman ni Anne ang kanilang masayang snow adventure. Sa pagkakataong ito, ay nakasama naman ni Anne ang kanyang asawang si Erwan, at ang mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Mapapansin rin sa video na nakasama rin nina Anne ang aktres na si Isabelle Daza.

CREDITS: Anne Curtis| YT

Tila naman, ang kanilang snow adventure ay para lamang sa kanilang mga matatanda, dahil kapansin-pansin na hindi nila kasama ang kanilang mga anak. At habang wala nga ang mga kids, ay sinulit nila ang oras para mag-enjoy sa pamamagitan ng iba’t ibang klase ng snow activities. Hindi naman maikakaila na talagang enjoy na enjoy sina Anne sa kanilang bakasyon sa Finland. Dahil nga malamig ang panahon doon dulot ng makapal ng snow ay makikitang balot na balot at makapal rin ang kanilang mga suot.

error: Content is protected !!