Connect with us

Entertainment

Anne Curtis, Ibinahagi ang Masayang Pakikipagkulitan at Pakikipaglaro ng Hide and Seek sa Kanyang Cute Little Girl na si Dahlia

Bilang isang magulang ay wala tayong pinapalampas na sandali para makasama at masaksihan ang paglaki ng ating mga anak. Napakahalaga na maglaan tayo ng oras at panahon sa ating mga anak habang sila’y maliliit pa, dahil sa kanilang paglaki ay hindi na natin maibabalik pa ang mga sandali upang sila’y makabonding at makalaro.

Credits: Anne Curtis | IG

Kaya naman, ang first time mom na si Anne Curtis, ay ini-enjoy ang bawat sandali na nakakasama at nakakabonding ang kanyang napakacute na baby girl na si Baby Dahlia Amelie. Sa paglipas ng panahon magmula ng isilang ni Anne ang panganay na anak nila ng kanyang chef-vlogger husband na si Erwan Heussaff, ay talaga namang naging masaya at makulay ang kanilang pamilya. Si Baby Dahlia nga ang nagsisilbing “source of joy and happiness” ng mag-asawa, kung saan nga ay siyang nag-aalis ng kanilang pagod at stress sa maghapong pagtatrabaho.

Bagama’t abala sa kanilang trabaho, ay hindi naman sila nawawalan ng oras sa kanilang anak. Sa katunayan nga nito, ang masayang bonding moments ng mag-asawang Anne at Erwan kasama si Baby Dahlia, ang madalas nilang ibida sa kanilang social media accounts.

Credits: Anne Curtis | IG

At kamakailan lamang nga, ay ibinida ng aktres na si Anne Curtis ang isang maikling video na naglalaman ng kanilang masayang bonding moments. Ipinasilip ni Anne ang kanyang pakikipagkulitan kay Baby Dahlia habang sila’y naglalaro ng hide and seek o kilala rin sa tawag na tagu-taguan sa loob ng kanilang tahanan. Tila nga, ang nakagisnang laro ni Anne noong siya’y bata pa ay nais rin niyang iparanas sa kanyang anak.

Credits: Dahliaamelieee | IG

Ang precious moments nilang mag-ina habang naglalaro ay hindi matatawaran. Makikitang nakatago si Baby Dahlia sa likod ng mga unan sa kanilang sofa habang hinahanap siya ng kanyang Mommy Anne. Tila naman, alam na ni Baby Dahlia ang larong taguan, dahil marunong itong dumiskarte sa pagtago sa kabila kanyang murang edad para hindi makita ng kanyang ina. Bukod kasi sa pagtatago, ay hindi rin gumagalaw sa kanyang pwesto si Baby Dahlia at tila nakikiramdam rin sa kanyang ina kung nasaan na ito.

At sa pag-alis ni Anne ng unan kung saan nakatago si Baby Dahlia, ay hindi naman matatawaran ang tawa at ngiting masisilayan sa mukha ng munting bata.

Credits: Dahliaamelieee | IG

Napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang makipaglaro sa ating mga anak habang sila’y mga bata pa. Kaya naman, ang maikling video na ito na ibinahagi ni Anne sa kanyang Instagram, ay naghatid rin ng kakaibang saya sa kanilang mga tagahanga. Marami rin ang pinahanga ni Baby Dahlia dahil sa edad nitong isang taong gulang, ay marunong na itong dumiskarte sa pakikipaglaro ng hide and seek sa kanyang Mommy Anne.

error: Content is protected !!