Connect with us

Entertainment

Anne Curtis, Ibinahagi Ang Masayang Pagdiriwang ng 2nd Birthday At Dedication Day Ng Kanyang Anak Na Si Dahlia

Tila napakabilis nga ng paglipas ng panahon dahil parang kailan lang nang isilang ng aktres na si Anne Curtis ang anak nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.

CREDITS: Anne Curtis| IG

Matatandaan na noong ika-2 ng Marso ng taong 2020 nang isilang ni Anne si Dahlia sa New Zealand. Nang sumapit naman ang 1st bithday ni Dahlia ay nagpasya na silang umuwi ng Pilipinas para dito na nga ipagdiwang ang kaarawan ng cute na bata.

CREDITS: Anne Curtis| IG

Sa matuling paglipas nga ng panahon, nito lamang ika-2 ng Marso ay masaya namang ipinagdiwang ni Dahlia ang kanyang 2nd birthday. Sa kanyang Instagram account, ay masayang ipinasilip ni Anne ang mga kaganapan sa masayang pagdiriwang ng birthday ni Dahlia. Kasabay naman ng 2nd birthday ni Dahlia, ang kanyang dedication day.

CREDITS: Anne Curtis| IG

Makikita nga sa mga larawang ibinahagi ng aktres na nakasuot ang kanilang pamilya ng all white outfits. Sa kanyang caption naman, ay ipinahayag ni Anne na sana raw ay gabayan si Dahlia ng Panginoon sa kanyang paglaki.

CREDITS: Anne Curtis| IG

“Yesterday we celebrated the 2nd birthday of our dearest Dahlia Amélie and welcomed her to the Christian world. We pray that the Lord and His angels will always protect and guide her as she grows up. On t’aime tellement notre petite fleur.”

Marami naman sa mga kaibigan ni Anne sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati para sa kaarawan ni Dahlian. Ilan lamang sa mga ito sina Angel Locsin at Maxene Magalona.

CREDITS: Anne Curtis| IG

“Happy birthday Dahlia,” bati ni Angel Locsin.

“Oh, how precious Happy birthday baby darling Dahlia,” pagbati naman ni Maxene Magalona.

Samantala, ang floral at events designer na si Gideon Hermosa, ay ibinahagi naman sa kanyang Instagram account ang mga larawang nagpapakita ng naging dekorasyon ng outdoor celebration. At makikita nga na ang paligid ay pinaganda ng mga bulaklak na dahlia. Napakaganda naman talaga ng set up ng lugar na nagpapatunay ng husay nito bilang isang floral and events designer.

CREDITS: Anne Curtis| IG

“The bright blooming dahlias that surround this outdoor celebration certainly give away who our lovely celebrant is! Our little flower, Dahlia, turns two this day and it’s made extra special as it is also her dedication day. Little Dahlia will surely remember this day by the display of bright-colored flowers and backdrop. It was such an honor to know that mom and dad, annecurtissmith and erwan loved what we created for their unica hija,”caption nito.

CREDITS: Anne Curtis| IG

Matatandaan sa isang panayam kay Boy Abunda na ibinahagi ni Anne ang kanyang journey bilang isang ina, kung saan nga ay talagang masayang-masaya siya bilang ina ni Dahlia.

“It’s been amazing so far. You know, becoming a mother has been the most… I can’t even put into words how fulfilling it is for me to take on this new chapter of my life as a mother to Dahlia.”

error: Content is protected !!