Connect with us

Entertainment

Anne Curtis, Hindi Maiwasang Malungkot Dahil Madalang na at Unti-unti ng Tumitigil sa Pag Dede sakanya si Baby Dahlia

Ang aktres at first time mom na si Anne Curtis ay isinilang ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie noong ika-2 ng Marso 2020 sa Australia. At magmula nga ng dumating ang napakacute na si Baby Dahlia sa kanilang buhay, ay talaga namang ramdam na ramdam nila ang isang masayang pamilya.

Samantala, si Anne naman ay hindi nakakalimutan ang kanyang responsibilidad sa kanyang anak bilang isang breastfeeding mom, kung saan nga ay ginagawa ang abot ng kanyang makakaya para mabigyan ng sapat na breastmilk ang kanyang anak.

Sa paglipas naman ng panahon at mabilis na paglaki ni Baby Dahlia, ay unti-unti na rin itong natututong kumain ng iba’t ibang klase ng pagkain dahilan nga para mabawasan na rin ang pagdede ng bata sa kanyang ina. At bilang isang first time mom, ay hindi maiwasan ni Anne na makaramdam ng kalungkutan dahil sa unti-unting pagtigil sa pagpapa-breastfeed sa kanyang anak.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Para sa pagdiriwang ng World Breastfeeding Week ngayong buwan ng Agosto, ay proud na ibinahagi ni Anne sa Instagram ang kanyang journey bilang isang breastfeeding mom sa kanyang panganay na anak na si Baby Dahlia.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Sa Instagram makikita sa mga larawang ibinahagi ni Anne na nagpapadede siya kay Baby Dahlia sa iba’t ibang lugar. At ayon kay Anne, sa loob ng 17 months ay hindi naging madali ang kanyang journey sa breastfeeding bilang isang first time mom. Ngunit, sa kabila nga nito, para kay Anne ay ito rin ang pinaka hindi niya makakalimutang karanasan sa buong buhay niya.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Kahit nga, medyo challenging ang pagiging isang breastfeeding mom, ay talagang ini-enjoy rin ni Anne ang bawat sandali habang pinapadede ang kanyang anak.

“17 months of breastfeeding in some pretty random places. It wasn’t easy. I had my own struggles but it’s been an unforgettable first-time journey so far. One I’ll always cherish. All the little moments shared between her and I (hair pulling and biting included).”

Pag-amin naman ni Anne ay nagkaroon siya ng pagbabago ng kanyang emosyon kung saan nga ay hindi maiwasang malungkot dahil sa unti-unting pagtigil sa pagdede ni Baby Dahlia sa kanya. At ito nga raw ay agad na napansin ng kanyang asawang si Erwan.

“When I started dropping feeds (when food became her main source of nutrients), my hormones started changing and I was just very quiet and felt somewhat melancholic.. I didn’t really notice till Erwan (Heussaff) called me out.”

Kwento naman ni Anne, ay malaki ang naitulong ng unti-unting pagtigil ng pagdede ni Baby Dahlia, para hindi mabigla ang kanyang hormones. Sa ngayon nga raw, ay dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw na lang kung dumede sa kanya si Baby Dahlia.

Photo credits: Anne Curtis | Instagram

Sa ngayon nga ay sinusulit at talagang inienjoy ni Anne ang mga nalalabing sandali para mapadede niya si Baby Dahlia. Samantala, nag-iwan naman ng payo si Anne sa kapwa niya breastfeeding mom, lalo na sa mga nahihirapan sa kanilang journey.

“You do you. You and your doctors will know what works for your little one and will keep them happy, busog and content.”

error: Content is protected !!