Connect with us

Entertainment

Anne Curtis at Erwan Heussaff, Masayang Namasyal at Nag Bonding sa Tasmania Kasama si Baby Dahlia

Para sa unang pagdiriwang ng Pasko ng napakacute na anak ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia, ay nagtungo ang kanilang pamilya sa napakagandang lugar ng Tasmania.

Sa kani-kanilang Instagram, ay ipinasilip ng mag-asawa ang kanilang masayang pamamasyal sa Tasmania, na hindi maitatanggi ang taglay na kagandahan ng tanawin.




Sa Instagram ni Anne, makikita sa napakagandang larawan kuha ni Erwan na magkasama ang mag-inang Anne at Baby Dahlia sa isang beach sa Tasmania.

Ayon sa caption ng post ni Anne, sa mga paborito niyang work out, ay palagi niyang kasama si Baby Dahlia na tila buntis pa rin siya dahil palagi itong nakadikit sa kanya.

“My new favorite kind of workout – Hikes & walks with this little girl strapped to me, swinging her happy little feet to and fro ✨ Kinda feels like being pregnant all over again 🤰🏻😂”

Sa Instagram naman ni Erwan kung saan ibinahagi niya ang isang larawan na kasama ang kanyang mag-ina, ay sinabi nito na third wheel lamang siya ng mag-ina.

“Just third wheeling Anne and Dahlia.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Makikita na talagang nag-enjoy ang mag-asawa sa kanilang pamamasyal kasama ang kanilang anak na si Baby Dahlia.

Hindi naman maikakaila na marami sa mga netizens ang nagiging paborito na ang pamilya ni Anne, lalo na ang napakacute na si Baby Dahlia. Kaya naman, marami ang nakakapansin na habang tumatagal ay nagiging kamukha na ni Baby Dahlia ang kanyang Mommy Anne.

Photo credits: Anne Curtis Smith | Instagram




Bagama’t, marami ang nagsasabi na kamukha ni Erwan si Baby Dahlia, mas marami naman ang sumasang-ayon na mas kamukha na ni Anne si Baby Dahlia sa mga bago nitong larawan.

Photo credits: Erwan Heusaff | Instagram

Sa isang Instagram post kung saan ibinahagi ni Anne ang larawan ng kanyang napakacute na anak na si Baby Dahlia, ay sinabi ng aktres na nagiging kamukha na niya ang kanyang anak bagay na sinang-ayunan naman ng mga netizens.

“parang she’s starting to look like me here. Check my stories to see the proof.”

Samantala, muli na namang kinagiliwan ng mga netizens ang nakakatuwang larawan ni Baby Dahlia. Maging ang ilang sikat na personalidad sa showbiz, ay hindi rin nakapagpigil na panggigilan ang napakacute na si Baby Dahlia. Kabilang na nga rito sina Bing Loyzaga, Isabelle Daza, Iya Villania, at marami pang iba. Ang kanyang Tita Soleen naman at asawa nitong si Nico ay nag-iwan ng komento at sinabi:

“We miss u Dahlia.”

error: Content is protected !!