Connect with us

Entertainment

Anne Curtis, Agaw Pansin Ang Kagandahan Sa Kanyang New Look Matapos Pakulayan ng Kulay Pink Ang Kanyang Buhok

Muling pinatunayan ng aktres at celebrity mom na si Anne Curtis ang kanyang mala-dyosang kagandahan matapos maging cover girl ng Preview magazine para sa buwan ng Oktubre.

Credits: Preview

Agaw pansin ang bagong look ngayon ni Anne dahil sa kulay ng kanyang buhok na talagang namang bagay na bagay sa kanya. Makikita kasi na ang dating kulay itim niyang buhok, ngayon nga ay pinakulayan niya ng kulay pink.

Credits: Preview

Sa Instagram ay ibinahagi ng hairstylist na si Raymond Santiago at makeup artist Robbi Piñera ang mga kuha ng larawan ni Anne sa isang photoshoot para sa magazine ng Preview kung saan nga ay siya covee girl para sa buwan ng Oktubre.

Sa kanyang naging interview sa Preview, ay ibinahagi naman ni Anne ang kanyang naging buhay sa Australia sa gitna ng pademya. Ibinahagi rin ni Anne ang kanyang pagiging isang first time mom sa pagpapalaki sa panganay na anak nila ng kanyang asawang si Erwan Heussaff na si Baby Dahlia.

Credits: Preview

Ito naman ang unang beses na nasilayan si Anne ng kanyang mga tagahanga para ipamalas ang kanyang kagandahan matapos isilang si Baby Dahlia at maging abala sa pagiging nanay. At dahil nga dito, ay ibinahagi rin ni Anne ang kanyang mga plano patungkol sa paggawa niya ng proyekto sa darating na panahon. Hindi naman maitago ng mga fans ni Anne ang kanilang excitement na makita ang kanilang idolo.

Marami nga ang umaasa sana raw ay bumalik si Anne bilang host ng noon time show na It’s Showtime ngunit sa ngayon ay wala ngayon ay wala pang malinaw na plano ang aktres patungkol rito.

Matatandaan na bago pa man sumapit ang pandemya, ay nagtungo na si Anne sa Australia upang doon isilang ang panganay na anak nila ni Erwan na si Baby Dahlia. Hindi naman matatawaran ang sayang hatid ni Baby Dahlia sa kanilang pamilya at siya nga ang nagsisilbing bundle of joy ng mag-asawang Anne at Erwan.

Credits: Preview

Ang napakacute na anak nina Anne at Erwan na si Baby Dahlia ay isinilang ng aktres noong March 2, 2020 at bago sumapit ang 1st birthday ni Baby Dahlia ay nagpasya ang pamilya ni Anne na umuwi na ng Pilipinas para dito ipagdiwang ang kaarawan nito. Matapos nga ang halos isang taong pananatili sa Australia ay umuwi na ng Pilipinas sina Anne at Erwan kasama si Baby Dahlia.

Credits: Preview

Ang mag-asawang sina Anne at Erwan ay ikinasal noong November 12, 2017 sa New Zealand. Ang kanilang sagradong pag-iisang dibdib ay dinaluhan ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan sa showbiz. Sa darating na ika-12 ng Nobyembre ngayong taon, ay ipagdiriwang ng mag-asawa ang kanilang 4th wedding anniversary.

error: Content is protected !!