Connect with us

Entertainment

Anna Feliciano, Labis Ang Kaligayahan at Pasasalamat Matapos Regaluhan Ni Willie Revillame Ng Isang Bagong Sasakyan

Hindi akalain ng choreographer ng Wowowin dancers na si Anna Feliciano na makakatanggap siya ng isang bonggang pamasko mula sa TV host at komedyanteng si Willie Revillame.

Magmula pa lamang sa programang Wowowee sa ABS-CBN ay kasa-kasama na ni Kuya Wil si Anna Feliciano. At ngayon nga na nakalipat na ng network at pagtuloy na nagbibigay saya at tulong sa ating mga kababayan si Kuya Wil sa programang Wowowin sa GMA Network, ay nasa likod parin niya si Anna. Sa pagdaan nga ng panahon ay isa si Ana sa mga taong nanatili sa tabi ni Kuya Wil at hindi ito iniwan.

Dahil nga sa pagiging loyal kay Kuya Wil ay hindi nagdalawang isip ang TV host na bigyan ito ng isang bonggang regalo ngayong pasko. Halos hinid makapaniwala at tanging pasasalamat ang sambit ni Anna matapos siyang surpresahin ni Kuya Wil at regaluhan ng isang bagong sasakyan.

At kamakailan lamang nga, ay naikwento ni Anna kung paano sinurpresa ng regalo nitong bagong sasakyan. Kwento nga ni Anna, ay tinawagan siya ni Kuya Wil at ang buong akala niya ay pagtatrabahuhin siya kahit araw ng pasko.

Inutusan pa nga raw si Anna ni Kuya Wil na puntahan ang napanalunan nitong sasakyan kung saan nga ay sa kanya ipinaasikaso ang proseso ng pagkuha nito. Ngunit, lingid nga sa kaalaman ng beteranang choreographer sa kanyang pupuntahan pala nakahanda ang supresahang inihanda para sa kanya ni Kuya Wil.

Nakatanggap nga si Anna ng isang bago at napakagandang sasakyan, na ayon naman kay Kuya Wil ay deserve naman nito dahil bukod sa pagiging loyal sa kanya, ay napaka-hard working naman talaga nito.

Sa pahayag naman ni Anna ay talagang mababakas ang kanyang labis na tuwa at pasasalamat kay Kuya Wil.

“Unexpected. I felt bad pa dahil gusto ako pag workin in Christmas Day. Yun pala may surprise. Thank you very much kuya!!! Graveee ang pasabog mo! Yes kuya, I will never leave the show. Loyal ako sayo, you know that. from Wowowee to Wowowin, from ABS to GMA. Thank you sa pag-appreciate ng craft ko,” pagbabahagi ni Anna.

Pinasalamatan rin ni Anna ang pag-appreciate ni Kuya Wil sa kanyang talento bilang choreographer ng Wowowin dancers. Sa huli nga, ay nangako naman si Anna na kahit kailan ay hindi niya iiwan ang programa at maging si Kuya Wil.

Tunay nga na kahanga-hanga ang taglay na kabutihan ng puso ni Kuya Wil, kung saan nga ay hindi lamang mga taong nangangailangan ang binibigyan ng tulong at kaligayahan kundi pati na rin ang kanyang mga empleyado na nagiging loyal at nakikitaan niya ng kasipagan sa kanilang trabaho.

error: Content is protected !!