Connect with us

Entertainment

Anjo Yllana, Nag paalam na sa Eat Bulaga Matapos ang 21 Taong Pagiging Host Dito

Ang aktor na si Anjo Yllana ay nagsimula sa showbiz noong taong 1984 sa teen variety show na “That’s Entertainment”, kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay bilang isang komedyante. Unti-unti na ngang namayagpag ang karera ni Anjo na kung saan ay dinagsa siya ng mga proyekto at pelikula.




At noong 1998, mula sa ABS-CBN Network ay lumipat si Anjo sa GMA Network at nagsimulang maging host ng longest-running noon time show na Eat Bulaga. Sa Eat Bulaga na nga ginugol ni Anjo ang kanyang pananatili sa mundo ng showbiz bilang host ng programa. Hindi naman maikakaila na sa tagal ng panahong pamamalagi niya sa Eat Bulaga ay marami na siyang naging masayang karanasan. Naging malapit na rin siya sa kapwa niya host ng naturang programa.

Ngunit, kamakailan lamang, matapos ang 21 taong pagiging host ng Eat Bulaga ay nagdesisyon si Anjo na lisanin na ang programa. Noong August 11, araw ng Martes, nang supresahin ni Anjo ang publiko matapos niyang magsumite ng resignation letter sa management ng Eat Bulaga.

Naging malungkot ang pamamaalam ng aktor sa programa na naging malapit na sa puso niya. Sa kanyang facebook account, ibinahagi ni Anjo ang kanyang pormal na pag-resign sa Eat Bulaga. Hindi maiwasan ng aktor na maging emosyunal sa caption ng kanyang post kung saan ay nilakipan niya ng mga larawan na kasama ang management at casts ng programa na naging kaibigan na niya sa mahabang panahon.

“With a heavy heart… today, August 11, 2020 … I submit my resignation. Thank you, Dabarkads. Thank you ‘Eat Bulaga.’ 21 years and it was a blast. Goodbye and all roads to your 50th.”




Nagpasalamat naman si Anjo sa mga Dabarkads na sumuporta at naging kasama niya ng mahabang panahon. Maging ang mga masasayang alaala kasama ang mga host na kaibigan na rin niya, ay tiyak na hindi niya malilimutan.

Marami namang netizens ang naantig sa malungkot na balita ng aktor, ngunit sa kabila nito ay sinuportahan naman ang naging desisyon nito.

Tanging mga positibong komento lamang ang mababasa sa naturang post ni Anjo. Maging ang ilang kaibigan sa showbiz katulad nina Paolo Ballesteros, Nadia Montenegro, G Tongi, Janno Gibbs, at Ogie Alcasid ay nagpaabot rin ng pagsuporta sa naging desisyon nito.

Ngunit, ano kaya ang dahilan ng biglaang pagresign ni Anjo sa Eat Bulaga na naging tahanan na niya ng mahabang panahon?

error: Content is protected !!