Connect with us

Entertainment

Angking Talento Sa Pagguhit Ni Scarlet Snow Belo Sa Edad Na 7 Taong Gulang, Kinabiliban Ng Mga Netizens

Si Scarlet Snow Bello ay isa sa mga kinagigiliwang celebrity kids sa industriya ng showbiz. Ang napakacute at bibong 7 taong gulang na batang si Scarlet ay anak ng mag-asawang sina Hayden Kho at Dr. Vicki Belo.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

At hindi naman nakapagtataka na ang kanilang pamilya, ay talagang hinahangaa ng publiko. Samantala, marami rin ang nagtataka kung bakit Belo ang ginagamit na apelyidi ni Scarlet at hindi sunod sa ama ang apelyido nito.

Sa isang interview sa kanyang ina nilinaw nito kung bakit Belo at Scarlet Snow Kho, ito ay hiniling na sa kanyang asawa na kung pwede ay siyang magkaroon ng Baby Belo at pumayag rin ang asawa nitong si Hyden Kho.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

Marami naman ang humahanga sa taglay na talento ni Scarlet. Sino nga ba ang mag-aakala na sa murang edad ni Scarlet ay makakagawa ito ng isang obra. Kamakailan lamang nga, ay pinakita ni Scarlet ang kanyang iginuhit na pokemon character sa isang Instagram post.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

At sa ganda ng likhang sining ng cute na bata ay maraming netizens ang natuwa sa talentong ipinamalas nito. May kanya-kanyang komento rin ang mga netizens sa nasabing post ni Scarlet.

Ito nga ay umani ng positibong komento na puno ng paghanga kay Scarlet at sa obra nito. Ilan lamang sa mga ito ay ang “Talented baby Scarlet”, “Beautiful Art”, “Proud of baby girl” at “You’re very talented andso smart”. Makikita rin sa post ang bawat detalye at proseso ng pagguhit ni Scarlet.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

At talagang makikita sa bata na pursigido itong matuto at mas lumawak ang kaalaman sa pagpipinta. Kinahihiligan ni Scarlet ang mga tauhan sa pokemon kung kaya’t ito ang naisipan niyang ipinta. Sa gabay ng tagapagturo ni Scarlet naging maganda ang naging resulta ng kanyang obra at kinagiliwan ito ng mga netizens.

Higit sa lahat natutuwa at ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang sa nagawang achievement sa murang edad. Nagpsalamat rin si Scarlet sa kanyang pagtuturo at nangakong gagawin niyang card ang kanyang mga gawa upang ibigay sa kaibigang mahal ang bawat tauhan sa pokemon.

Photo credits: Scarletsnow Belo| IG

Si Scarlet ay isang halimbawa na ang pagtuklas ng talento ay wala sa edad bagkus nasa tao kung paano tuklasin ang mga kakayahang hindi pa naiihahayag. Kaya’t huwag matakot sumubok sa kung ano nais matutunan. Sapagkat maaring ito’y ang daan sa pagtuklas ng iyong talento at pagkakakilanlan mo bilang isang personalidad. Dahil nga, sa kahanga-hangang talento si Scarlet sa murang edad ay mas lalo siyang kinagiliwan ng kanyang mga tagahanga.

error: Content is protected !!