Connect with us

Entertainment

Angking Kagandahan ni Angel Locsin, Umani ng Papuri at Paghanga Mula sa mga Netizens Kahit Malaki ang Nabago sa Kanyang Katawan at Nadagdagan ang Timbang

Ang aktres na si Angel Locsin, ay isang napakaganda at seksing aktres noon na gumanap bilang Darna. Talagang tumatak ang imahe na ito ni Angel sa marami niyang tagahanga. Ngunit, sa paglipas ng panahon, ay nag-iba rin ang pisikal na kaanyuan ng aktres.




Matatandaan nga na minsan nang pinag-usapan ng publiko si Angel dahil sa malaking pagbabago ng kanyang katawan. At kamakailan lamang, ay muli na namang nagtrending sa social media ang larawan ni Angel ngunit sa pagkakataong ito, ay umani ng papuri at paghanga ang aktres mula sa mga netizens.

Sa nasabing larawan, makikita na nakasuot ang Kapamilya actress ng red dress habang nasa damuhan. Ang napakagandang larawan nito ng aktres a nakunan sa Old Grove Farmstead sa Batangas at kuha naman ng Kuyarey Photography. Ang mga bagong larawan ni Angel ay nakita sa Facebook page na Plus Size Pinay Blog. Ito ay isang blog na tumutulong at lumalaban para ma-empower ang mga plus size women.

Kuha naman ang larawan sa taping ng kanyang public service program na “Iba Yan” na kasalukuyang mapapanood sa ABS-CBN. Ang naturang taping ay para naman sa episode nilang “Araw ng mga Sawi” bilang episode ng programa sa pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong linggo.

Samantala, kapansin-pansin sa larawan ni Angel ang malaking pagbabago sa katawan ng aktres. Makikita nga na sadyang napakaganda parin ni Angel kahit nadagdagan ang kanyang timbang. Blooming nga ang mukha ng aktres sa suot nitong red dress na talagang hindi maikakaila ang taglay na kagandahan.

Kaya naman, marami sa mga netizens ang humanga at nagbigay ng papuri kay Angel, dahil sa kabila ng pagbabago ng kanyang katawan, ay napanatili pa rin niya ang angking kagandahan. Narito ang komento ng mga netizens:

“Kahit mataba o payat. Ang mahalaga hindi siya humihinto sa pag tulong sa kapwa,” comment ng isang netizen.

“Tumaba si Angel Locsin dahil sa mga iniinom niyang mga gamot because of her injury. Kahit ganoon siya ay taos puso pa rin siyang tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong,” sabi naman ng fan ng aktres.




“Itaas ang bandera ng matataba…. idol ko si angel eh nun payat sya payat din ako now malaki na sya malaki din ako.. paki ba nila nyahahaha!” hirit pa ng isang FB user.

“Kapag si Angel Itaas ang bandera nang Matataba. Kapag kami hndi kagandahan mukhang gasul!? Hahahahaal! joke lang po.”

“Hindi hadlang ang katabaan or laki sa kaya mong gawin or akyatin. subrang taba ko po pero nakaya ko din minsan sa buhay ko na akyatin yan armoured car ng military. Pag talaga mahal ka ng mga tao sa paligid mo isa lang isa dalawa tatlo ang mga yan wala kanang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.”

“Maganda pa din si angel kahit chuby na. Di naman nya gustong tumaba ng ganyan, sa mga hindi po nakakaalam, ang pagtaba po nya ngayun ay side effect ng gamot na maintenance nya para sa kanyang likod. May sakit po sya sa likod.”

Talagang hinangaan hindi lamang ang kagandahan ng panlabas na anyo ni Angel kundi pati na rin ang kanyang napakabuting puso na hindi nagsasawa sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Matatandaan naman sa isang panayam na sinabi ni Angel na hindi niya papatulan ang mga body shamers. Ayon nga sa aktres, ay dapat pa ngang kaawaan kesa patulan ang mga ganitong klase ng tao na animo’y perpekto ang pagkatao.

Kung iisipin mo, maaawa ka doon sa tao, kasi anong klaseng person ka para magawa mo ‘yon? Perfect ka? Hindi mo na lang papatulan. May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya.Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. Eh, ikaw, okay ka ba?”

error: Content is protected !!