Connect with us

Stories

Angeline Quinto, Umalis sa Kanilang Dream House at Ibinahagi ang Dahilan sa Paglisan nito Dito

Isang panibagong yugto ang haharapin sa buhay ng aktres at singer na si Angeline Quinto. At ito nga ang pagiging isang ina sa kanyang anak. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na malapit na ngang bumuo ng sariling pamilya si Angge.

At kamakailan lamang nga ay ibinahagi ni Anngge ang dahilan kung bakit siya nagpasyang lisanin ang kanyang “dream house”. Ang dream house ang naging tahanan ni Angge kung saan magkasama nilang itinayo ng kanyang Mama Bob. Ngunit, hindi nga inaasahan ang kanyang ina ay pumanaw na. Si Mama Bob ay isang mapagmahal at supportive na nanay kay Angge. Hindi rin maikakaila na maraming katrabaho ni Angge ang nagmamahal kay Mama Bob dahil sa kabaitan nitong taglay.

Sa panayam kay Angge sa programang Umagang Kayganda ay inilahad niya ang kanyang dahilan sa paglisan sa kanyang dream house. Ayon nga kay Angge ay nalulungkot siya sa dream house lalo na nga’t puno ito ng alaala ni Mama Bob.

“Sa totoo lang, ako honestly nalulungkot ako na umalis doon sa naging dream house namin ni mama bob. Kasi after ko magkaroon ng trabaho sa ABS-CBN na regular na ako sa Star Power yun ang kauna-unahang bahay na nairegalo ko kay mama.”

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Inamin rin ni Angeline sa nasabing interview ang nararamdamanng pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang ina. Tunay ngang hindi madali ang mawalan ng ina na nag-aruga, umagapay at nagpaglaki sayo. Lalo na’t laging magpapaala sa’yong mermoya ng mahal mo sa bahay ang mga bagay na makikita at nakapaligid sa’yo.

Dagdag pa nito,“So ngayon noong mawala ang mama ko, syempre ang hirap hirap po na everyday na gigising ka roon sa bahay na bawat sulok ng bahay may memories namin together. So nahihirapan po talaga ako.”

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Hindi naging madali kay Angge ang desisyong umalis sa dream house nila ng kanyang ina. Hindi isang gabi lang ang kanyang ginugol upang pag-isipan ito, dahil ayon nga sa kanya ay maraming beses niya itong pinag-isipan.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Malawak ang nasabing bahay at dahil wala na ang kanyang ina mas naramdaman ng singer ang pagkalumbay. Mas ninais niya ang simpleng buhay na alam niyang doon siya magiging masaya. Bagama’t wala na ang Mama Bob ay humingi pa rin ito ng pahintulot sa kanyang pag-alis.

“So may mga tao na talagang ginagamit si Lord, natuloy sya. Syempre malungkot para sa akin ang daming memories namin ni Mama bob doon. Pero nang mabuntis ako parang yon ang naging sign sa akin na ah bagong buhay, bagong yugto ng buhay ko, bagong panimula.” dagdag pa nito.

Matapos masagot ang lahat ng katanungan ng singer-actress at sa mga senyales na ipinakita sa kanya ng Diyos natuloy ang kanyang pag-alis sa dream house. Dahil na rin sa pagbubuntis ni Angge ay hindi makakabuti sa kanya kung palagi siyang malulungkot at madedepress.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Nakikita niyang ang batang kanyang dinadala ay simbolo ng bagong simula at pinakadahilan kung bakit kailangan niyang umalis sa dream house nila ng kanyang ina. Ang kayang pagbubuntis ang magdadala sa kanya sa panibagong buhay na magtataglay ng kasiyahang walang kapantay.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

Ika nga nila kung may mawawala ay may darating. Mahalaga nga na matutunan nating magpatuloy gaano man kahirap tanggapin ang pagkawala ng ating mga mahal sa buhay. Magpatuloy sa bagong darating at umusad nang hindi nakakalimot at mananatili ang kanilang alaala sa ating puso.

error: Content is protected !!