Connect with us

Entertainment

Angeline Quinto, Sumabak Na Rin Sa Pag-Oonline Live Selling At Umabot Agad ItoNg 4 Million Views

Sa panahon ngayon, ay talaga namang nauuso ang pag-oonline live selling. Hindi lamang mga online seller ang nagsusumikap sa pagkayod sa pamamagitan ng pagbebenta ng kung ano-ano online. Dahil maging ang ilang sikat na celebrities sa showbiz ay sumabak na rin sa pag-oonline live selling.

Credits: Angeline Quinto | YT

Hindi naman maikakaila na kapag ang kilalang artista ang nag-live sa pagbebenta ay tiyak na dadagsain ito ng mga manonood at mamimili. Katulad na lamang nga ng singer-actress na si Angeline Quinto na sa unang pagkakataong nag-live selling online ay umabot ang kanyang viewers ng 4 million.

Credits: Angeline Quinto | YT

Sa kanyang Facebook account nag-live selling si Angge kung saan ay ibinenta niya ang kanyang mga Preloved stuffs. Ilan nga sa mga ito ay designer bags, sapatos, damit, at marami pang iba. Hindi naman nagdalawang isip si Anggel na ibenta na lamang sa mababang halaga ang kanyang mga kagamitan. At ang ilan nga ay as low as 300 pesos lang ang presyo.

Credits: Angeline Quinto | YT

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na talagang mamahalin ang mga kagamitan ni Angge. Ngunit, mababang presyo na lamang niya itong ibinenta. Sa katunayan nga nito ang kanyang mga designer’s bag na nagkakahalaga ng P100,000 pataas ay ibinenta na lamang niya sa halagang P25,000.

Labis naman ang tuwa ni Angge dahil kahit unang beses niyang ginawa ang pagla-live selling sa Facebook ay agad na naubos ang kanyang mga paninda.

“Maraming salamat mga ka twinkle ko. Sa susunod na online live selling ulit. Ubos na po lahat hehehe.”

Credits: Angeline Quinto | YT

Sa isa namang post ay ibinahagi ni Angge na umabot sa 4 million views ang kanyang live selling. Ibig sabihin lamang nga nito, ay marami ang natuwa at talagang sinuportahan ang pagla-live selling ni Angge. Sa dami nga ng kanyang mga tagahanga ay hindi na nakapagtataka kung umabot ng 4 million ang nanood sa kanyang live selling.

Credits: Angeline Quinto | YT

Dahil sa marami ang talagang tumangkilik sa live selling ni Angge ay nangako naman siya na sa susunod na pagla-live selling niya sa 2022 ay mas marami na ang items na dapat abangan ng kanyang mga katwinkle.

“O mga ka Twinkle ko. Umabot ng 4.4M ang online live selling natin.Para sa mga nagtatanong meron po ulit next year, January2022. Marami pa po tayong mga items para sainyo. Ayos.”

Credits: Angeline Quinto | YT

Hindi naman nabanggit ni Angge kung saan nakalaan ang kanyang kinita sa live selling ng kanyang mga pre-loved items. Ngunit, marahil ay isa sa pinaglalaan ng singer ay ang pagdating ng kanyang baby na ngayon ay nasa sinapupunan.

Ngayon pa lamang nga, ay hindi na rin maitago ni Angge ang kanyang excitement sa pagdating ng kanyang anak na kung saan nga ay unti-unti na ring naghahanda sa kanyang nalalapit na pagsilang.

error: Content is protected !!