Connect with us

Entertainment

Angeline Quinto, Rumesbak sa Basher na Pinuna ang Kanyang Selfie Post na Nagsabing “Nasobrahan yata pagawa”

Likas na sa mga sikat na personalidad sa showbiz ang magkaroon ng magandang mukha lalo na sa mga kababaihan, sapagkat ito ang kanilang puhunan sa tinatahak nilang karera. Ang ilan nga ay biniyayaan na ng magandang mukha, bago pa man sumabak sa showbiz.

Ngunit, may ilan rin namang dumaan sa operasyon upang mas lalong gumanda, at bumagay sa mundong kanilang ginagalawan. Isa na nga rito ang sikat na singer na si Angeline Quinto. Nang pumasok si Angge sa showbiz, ay taglay na niya ang magandang mukha, ngunit sa kabila nito, ay mas pinili pa rin ng singer na ipagawa ang ilan sa bahagi ng kanyang mukha.

Photo credits: Angeline Quinto | Instagram

At noong nakaraang buwan ng Hulyo, sa isang panayam ay proud na ibimahagi ni Angge ang kanyang mga cosmetic enhancements tulad na lamang ng eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, thermage, breast reduction, at glutathione injection.

“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin.”

Ang pagpapagawa o pagpaparetoke ni Angge, ay bukas na sa publiko at ang bagay na ito ay hindi niya ikinakahiya. Minsan na ring nabanggit ng singer, na ang perang ipambabayad sa kanyang pagpaparetoke ay mula sa kanyang pinagtrabahuan, hindi sa ibang tao.

“Never ko ikinahiya kung ano ang mga pinagawa ko. At hanggang ngayon napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho ‘yun at kung may pangbayad naman bakit hindi. Kaya nga ho may Dra. Vicki Belo. Ikaw naman ang magtatrabaho at gagawa ng paraan para makapagparetoke ka e. Hindi naman hihingin o nanakawin ang ipangbabayad. Kesa ho manggaling sa ibang tao ung IPANGBABAYAD mas pangit ho.”

Ngunit, kamakailan lamang, ay tila hindi nakapagtimpi ang singer sa isang basher na nagkomento ng di kanais-nais sa kanyang post.

Noong ika-9 ng Disyembre, nang magpost si Angge ng kanyang larawan sa Instagram kung saan makikita ang kanyang magandang mukha. Ngunit, may isang netizen ang nagkomento sa kanyang post at sinabi na:

“Nasobrahan yata pagawa.”

Hindi naman nagpatinag si Angge sa basher, at diretsahang sinagot ito. Ayon nga kay Angge, ay wala umano itong pakialam kahit na anupang bahagi ng kanyang katawan ang ipagawa. At mas makakabuti rin na unahin umano nito ang sariling buhay.

“Kung ipagawa ko man buong katawan at pagkatao ko, hindi naman makakaapekto sa pamumuhay mo. Much better kung buhay mo na lang ang unahin at pagkaabalahan mo. Love you babe,” diretsahang sagot ni Angge sa basher.

error: Content is protected !!