Connect with us

Entertainment

Angeline Quinto, Nagbahagi ng Isang Tour sa Kaniyang Bagong Town House

Kamakailan lamang ay ipinanganak na ng singer na si Angeline Quinto ang kaniyang panganay na anak na si Baby Sylvio. Dahil siya ay isang first time mom, napakarami ang naging paghahanda ni Angeline, hindi lamang sa pagdating ng kaniyang baby boy kundi pati na rin sa pagbuo ng kaniyang sariling pamilya. Isa na nga sa naging paghahanda ng singer ay ang kaniyang paglipat sa isang town house. Matatandaang mayroon nang isang tahanan ang singer.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Ayon sa kaniya, ito raw ang dream house nila ng kaniyang Mama Bob ngunit mula nang mawala ito at nagkaroon na ng sariling pamilya si Angeline, napagpasyahan niyang lumipat na lamang sa isang town house kung saan niya bubuuin ang kaniyang pamilya.

Idinetalye rin ni Angeline ang iba pang rason ng kaniyang paglipat. Ayon sa kaniya, hindi naging madali ang kaniyang pagdedesisyon. Marami siyang pinagdaanan at ipinagdasal bago pa man siya lumipat sa kasalukuyang town house. Ayon rin sa kaniya,

“Ako honestly, talagang nalulungkot ako na umalis doon sa naging dream house namin ng Mama Bob. Kasi after ko na magkaroon ng trabaho sa ABS-CBN ng regular, ‘yun yung kauna-unahang bahay na nai-regalo ko kay Mama.”

Dagdag pa ng singer,

“Ngayong nawala ang Mama ko, siyempre parang ang hirap-hirap po na everyday gigising ka ‘dun sa bahay na nakikita mo bawat sulok nung bahay yung memories namin together.”

Dahil dito, ibinahagi ng singer sa isang YouTube vlog ang kaniyang bagong bahay. Kumpara sa kaniyang dream house, simple lamang ang kasalukuyang bahay ni Angeline ngunit perpekto naman ito sa kaniyang maliit na pamilya.

Sa pagpasok pa lamang sa bahay na ito ay sasalubong agad ang living room ng singer.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Mula naman dito ay mapupuntahan ang kusina.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Sa ikalawang palapag ng bahay makikita ang isang altar gayundin ang music room ni Angeline at ang nursery room para sa kaniyang anak.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Sa ikatlong palapag makikita ang master’s bedroom. Hindi rin mawawala ang make-up at dressing room ng singer. Bilang pag-alala rin sa kaniyang Mama Bob, makikita rin sa palapag na ito ang isang litrato ng kaniyang nanay.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Talagang napakaganda rin ng bagong town house ng singer. Siguradong magiging perpekto ito bilang tahanan ng kaniyang pamilya kung saan nila palalakihin ang kanilang Baby Sylvio.

error: Content is protected !!