Connect with us

Entertainment

Angeline Quinto, Ipinasyal ang mga Tagahanga sa Kanyang Bagong Bahay daw na Nabili Noong 2017 sa Batangas

Sa latest vlog ng “Huwag Kang Mangamba” star na si Angeline Quinto, ay isang house tour video ang kanyang hatid, na di umanoy bahay na kanyang lilipatan sa Batangas at nabili noong 2017.

Bungad nga ng singer-actress sa video, marahil raw ay marami ang nakakapansin sa kanyang mga tagahanga ng madalas niyang pamamalagi sa Batangas. At ayon nga kay Angeline, magmula nang maibenta niya ang bahay nila ng kanyang Mama Bob, sa Quezon City, ay madalas na siyang mamalagi sa Batangas dahil sa nabili di umano niyang bahay rito noong 2017. Kwento pa ni Angge, magmula ng magkapandemya at maospital ang kanyang Mama Bob, ay nahinto ang renovation rito ngunit nakita naman daw ito ng kanyang Mama Bob.

Pinagbuksan nga ng pinto ni Angge ang kanyang mga tagahanga. Sa pagbukas ng pinto ay agad na bumungad ang malawak na espasyo sa loob ng bahay. Agad namang mapapansin ang isang painting ng Koi fish na ayon naman sa aktres, ay nais rin niyang magkaroon ng Koi fishpond sa kanyang bahay. Mapapansin naman na walang gaanong gamit sa loob ng bahay. Ito nga ay dahil hindi pa raw tapos ang pagsasaayos rito ni Angge.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Ipinakita naman niya ang ilan sa mga bahagi ng bahay katulad na lamang ng maliit ma kitchen at veranda na matatanaw ang napakagandang tanawin. Sa ibaba naman nito ay makikita ang isang napakalaking swimming pool.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Ipinakita rin ni Angge ang bawat silid ng bahay, kasama na nga rito ang kwarto nila ng kanyang Mama Bob na hindi man kasing laki ng kwarto nila sa QC, ay maaliwas at komportable rin ito.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Mapapansin naman na yari sa kahoy ang mga pinto, at ayon sa aktres ay personal niya talagang pinili ang disenyo nito. Dinala rin ni Angge ang kanyang mga viewers sa pinakabasement ng bahay, kung saan dito nga sila madalas mamalagi. Dito na makikita ang kusina, dining area, sala at ang napakaganda at laking swimming pool ay nasa tapat lang nito. Sa pool area ang pinakapaboritong lugar ni Angge, dahil dito rin sila madalas tumambay ni Mama Bob para magrelaks.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Nag-iwan naman si Angge ng mensahe na punong-puno ng inspirasyon. Ayon nga rito, kapag may pangarap na nais makamit sa buhay ay huwag sumuko. At binigyang diin niya na palaging hingin ang gabay ng Diyos sa bawat hakbang sa pag-abot ng mga pangarap.

Marami nga ang nainspire ni Angge sa kanyang vlog. Ngunit, sa mga nag-aakalang tapos na ang video, ay mapapanood sa huling bahagi na biglang tumawag sa kanyang telepono ang kanyang Tita Ibyang na si Sylvia Sanchez. At maririnig nga na sinabi ni Angge na napakaganda ng bahay nito, at napakalaki rin ng swimming pooo.

Photo credits: Angeline Quinto | Youtube

Sa huli nga, ay inamin ni Angge na hindi sa kanya ang bahay kundi sa kanyang Tita Ibyang. Pagbubunyag nga ng aktres, ay prank lamang ang kanyang ginawang house tour vlog.

error: Content is protected !!