Connect with us

Entertainment

Angeline Quinto, Ipinasilip Ang Napakagandang Town House Na Magiging Tahanan Sa Pagsisimula Ng Kanyang Sariling Pamilya

Marami ang natuwa sa mga tagahanga ng singer-actress na si Angeline Quinto sa biyayang ipinagkaloob sa kanyang buhay. At ito nga ang kanyang baby boy na ngayon ay nasa kanyang sinapupunan. Talaga namang excited na si Angge sa pagbuo ng kanyang pamilya. Kaya naman, sa bagong simula at pagbuo ng kanyang sariling pamilya ay nagpasya na si Angge na iwan ang kanyang dream house at lumipat sa isang town house.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Sa bagong journey na ito ni Angge ay kasama parin niya ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta. Sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang YouTube channel, ay masayang ipinasilip ni Angge ang kanyang bagong bahay na magsisilbing tahanan ng kanyang pamilya.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Sa kanyang vlog ay inamin rin ni Angge ang dahilan kung bakit siya nagpasyang lumipat na ng bahay. Maliban nga sa dahilang pagbuo ng kanyang pamilya, ay inamin rin ni Angge na nalulungkot na siya sa bahay kung saan nakasama niya ng matagal ang kanyang Mama Bob.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Ngayong wala na nga ang kanyang Mama Bob, ay ang kanyang kasambahay na si Ate Irene ang tanging kasama niya sa bahay. Dahil nga bakante na ang mga kwarto, at sa tuwing papasok siya sa kwarto ni Mama Bob, ay naiiyak na lamang siya sa lungkot kung kaya’t naisip na niyang lumipat ng bahay.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Ngayon nga ay handa na rin si Angge na i-let go ang kanyang Mama Bob sa isang taong nakalipas. Sa bagong yugto ng buhay ni Angge bilang isang ina sa nalalapit na pagdating ng kanyang anak, ay nais niya ang isang tahanan na sapat lang para sa kanilang pamilya. Isang maliit ngunit komportable bahay kung saan sila bubuo ng masasayang alalala.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Makikita naman sa loob ng town house na napakaganda,at may sapat na espasyo para sa kanilang pamilya. Ayon naman kay Angge, ay noong Enero 31 sila lumipat ng town house dahil nais niyang sa pagsisimula ng taon at pagsisimula rin ng bagong buhay ay bagong bahay rin ang kanilang titirhan.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Ipinasyal nga ni Angge ang kanyang mga tagahanga sa kanyang bagong town house, mula sa living room, dining at kitchen area, at maging sa mga bedrooms. Ayon naman kay Angge, ay marami pang dapat ayusin sa bagong bahay, at ipapasilip niyang muli ito kapag natapos na ang renovation.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Ngayon nga na nakalipat na ng bagong bahay si Angge, ay inilipat rin niya ng bahay ang abo ng kanyang yumaong ina na si Mama Bob. Sa huling bahagi nga ng vlog ay dinala rin ni Angge ang kanyang mga fans sa bagong tahanan ni Mama Bob.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Masaya naman si Angge, dahil sa wakas nga ay may sarili ng bahay ang kanyang ina matapos ang mahigit isang taon magmula nang pumanaw ito. Damang-dama naman hanggang ngayon ang labis na pagmamahal ni Angge sa kanya ina, habang siya’y nakatingala sa itaas kung saan nga ay nasa pinakataas at pinakauna ang pwesto nito.

CREDITS: Angeline Quinto| YT

Isa na naman ngang bagong buhay ang haharapin ni Angge sa kanyang bagong bahay. At tiyak naman na masisilayan ng kanyang mga fans ang bawat kaganapan sa kanyang buhay, lalo na nga ang kanyang journey bilang isang ina.

error: Content is protected !!