Angeline Quinto, Inimbitahan Ang Mga Street Kids Sa Kanyang Bahay Upang Mag-enjoy At Pakainin Ng Masarap Na Pagkain

Ang buhay ng mga nakatira sa lansangan ay sadyang napakahirap na kung saan ay walang matinong pagkain at ang kapaligiran ay napakadumi na nakakaapekto sa kalusugan.

Screenshot: Love Angeline Quinto Youtube Channel




Hindi rin sapat ang sustansiya ng pagkain na kanilang kinakain, maswerte na kung makakain ng dalawang beses isang araw. Maging ang kanilang kasuotan ay madumi rin sapagkat hindi sila nakakaligo at naaalagaan ng tama ang kanilang sarili. Nakakalungkot isipin na may mga taong ganito ang sitwasyong kinakaharap sa buhay, na walang matinong tirahan upang maprotektahan ang kanilang sarili. Higit sa lahat, hindi pa nila nararanasan ang mga bagay na nakakapagpasaya at nakakapagpagaan sa kanilang buhay.

Screenshot: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Kaya naman ang singer na may napakabuting puso na si Angeline Quinto ay gumawa ng paraan para mapasaya man lang kahit sa maikling panahon ang mga batang nakatira sa lansangan. Noon pa man ay kilala na si Angeline sa pagkakaroon ng mabuting-kalooban at ang pagkakataon ito upang magpasaya ng ilang bata sa lansangan ay hindi niya pinalampas.

Photo Credit: Angeline Quinto Instagram




Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi niya ang mga kaganapan sa pagpapasaya niya sa mga bata. Nang araw na iyon, nagtungo si Angeline kasama ang kanyang driver sa isang squatter area upang imbitahan ang ilang bata sa kanilang tahanan para mag-enjoy at kumain. Magiliw rin niyang hiningi ang persimo ng mga magulang ng bawat bata upang payagan ang mga ito.

Screenshot: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Dahil narin sa kagustuhan ng mga magulang na maranasan ng kanilang mga anak ang maging masaya kahit sa maikling panahon ay agad nilang pinayagan ang mga batang sumama kay Angeline. Kaya naman matagumpay na nadala ni Angeline ang 5 bata nang araw na iyon sa kanyang tahanan.

Screenshot: Love Angeline Quinto Youtube Channel




Pagdating sa kanyang tahanan, hinayaan niyang masayang maligo sa swimming pool ang mga bata habang kanyang binabantayan ang mga ito. Kitang-kita sa mukha ng mga bata ang kanilang masasayang ngiti habang masayang lumalangoy at nagtatampisaw sa swimming pool.

Screenshot: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagkatapos naman ng kanilang masayang karanasan sa swimming pool, pinakain naman sila ng fried chicken at spaghetti na paboritong kainin ng mga bata. Bago naman umuwi, tiniyak naman ni Angeline na may dalang mga bag ng grocery ang mga ito upang dalhin sa kanilang mga magulang.

Screenshot: Love Angeline Quinto Youtube Channel




Screenshot: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Talaga nga namang kahanga-hanga ang ideyang ito ni Angeline na magbigay ng kasiyahan sa mga batang lansangan. Isang masaya at hindi makakalimutang karanasan ng mga bata na kanilang dadalhin sa kanilang pagtanda. At agad itong nagviral na kung saan ay umani ng papuri at reaksyon mula sa mga netizens.

“A beautiful woman with a golden heart! Walang kaartehan sa katawan and humble. God bless u more Miss Angeline…and congratulations to mama Bob for raising such a kind hearted woman”

“Maalala ng mga bata to gang sa pagtanda nila at cgrado pg sila din ang yumaman sila n nman ang gagawa nito balang araw…mga kiddos ang swerte nyo najasama nyo c angge”

“Ung mkita mo ung mga bata na kapos palad n sobra sya ang gaan sa loob..khit simple bgay n mapangiti lng sila..peo yang mga bata n yan..gang paglaki nila maaalala nila yan..kasiyahan binigay..mo????at lge nila maaalala..at bka pg laki nila gwin din nila sa iba..ang mgpasaya???”