Connect with us

Entertainment

Angeline Quinto, Inamin Na May Non-Showbiz Boyfriend siya at Buntis na Ngayon

Ang sikat na singer na si Angeline Quinto ay isa sa may pinakamatagumpay na karera sa industriya ng showbiz. Maliban sa pagiging isang mahusay na singer, ay isa na ring aktres si Angeline na patuloy na ipinapamalas ang kanyang husay sa pag-arte.

Isa nga si Angeline sa tinitingalang personalidad sa showbiz kung kaya’t marami rin sa kanyang mga tagahanga ang nais pang malaman ang ilang bagay patungkol sa kanyang buhay. Kaya naman, ang journalist na si Karen Davila, ay hindi pinalampas ang pagkakataon na mabisita si Angge sa kanyang tahanan upang makamusta at makapanayam. Maliban nga sa simpleng house tour, ay nakakwentuhan rin ni Karen si Angge tungkol sa masaya nitong buhay pag-ibig.

Sa unang bahagi naman ng video ay makikita na may inihandang meryenda si Angge para kay Karen, at ito ay street foods tulad ng fish ball, kikiam at kwek kwek na paboritong kainin ng singer.

Credit: Angeline Quinto | IG

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na isang ampon si Angge. At sa pagpanaw nga ng kanyang Mama Bob na siyang tumayong ina at nagpalaki sa kanya ay labis na kalungkutan ang kanyang nadama kung saan napakalaki ng pinagbago ng kanyang buhay. Si Mama Bob na ang nakagisnang magulang ni Angge matapos siya ipaampon ng kanyang Nanay Susan. Ayon naman sa kanya, ay tanggap naman niya at naintindihan kung bakit siya ipinaampon ng kanyang tunay na ina.

Ipinasyal rin ni Angge si Karen sa loob ng kanyang napakagandang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap. Ilan nga sa mga ipinasilip ng singer ay ang kanyang kahanga-hangang koleksyon ng mga sapatos na kung saan ilan sa mga ito ay regalo ng kanyang mga kaibigan sa showbiz.

Credit: Angeline Quinto | IG

Ipinakita rin ni Angge ang Poong Nazareno na regalo sa kanya, at ito nga ay marami nang himalang ginawa sa buhay niya. May munting altar ring nakalaan para sa namayapang si Mama Bob kung saan ay araw-araw na nag-aalay ng mga pagkain si Angge, upang madama parin niyang kasalo niya ang ina sa pagkain sa bawat araw.

Sa pagkawala naman ng pinakamamahal na ina ni Angge ay siya namang pagdating ng taong magbibigay saya at kulay sa kanyang buhay pag-ibig. Sa naging panayam, ay inamin nga ni Angge na siya’y nasa isang masayang relasyon sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend. Hindi man nga binigyan ng pagkakakilanlan ang lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon, ay kitang-kita naman na masaya at talagang nag-uumapaw ang kilig kay Angge.

Ayon naman sa singer, ay hindi pa siya handang ipakilala sa publiko ang kanyang non-showbiz boyfriend dahil nais niyang maging pribado ang kanilang relasyon. Nagbigay naman ng ilang detalye si Angge tungkol sa kanilang relasyon, at ayon pa sa kanya ay nagsimula ang kanilang relasyon noong nakaraang taon.

Samantala, napag-usapan rin ang tungkol sa pagkakaibigan ni Angge at kapwa singer na si Eric Santos. At pagbubunyag nga ni Angge, bagama’t naging malapit sila at sinubukan ring ibigin ang isa’t isa ay hindi ito nahigitan ang kanilang pagkakaibigan. Kaya naman, nanatili na lamang silang magkaibigan at magkatrabaho hanggang sa huli.

Credit: Angeline Quinto | IG

Samantala, inamin naman ni Angeline na siya ay nagdadalang tao ngayon, sa interview niya kay Boy Abunda.

“Excited na excited ako. Ngayon lang ako naging excited nang ganito sa buhay ko. Siyempre hindi naman mawawala sa mga iniiisip ko kung paano bang maging nanay. Parang hindi na ako mahihirapan kasi ang daming mga nanay na malapit sa akin, at unang-una, napalaki naman ako nang maayos ng Mama Bob.

“Ako, I’m sure, magiging mabuting nanay din ako sa anak ko. Iyon ‘yung habang buhay kong babaunin, e, lahat ng mga naiwan sa akin ng Mama Bob. Hindi na ‘yung materyal na bagay. Ang akin, ‘yung mababaon ko talaga hanggang pagtanda ko, ‘yung mga natutunan ko kay Mama,” pahayag ni Angeline.

Credit: Angeline Quinto | IG

“Nakilala ko siya dahil kaibigan siya ng boyfriend ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila. Non-showbiz,” she said. “Nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon ng communication. Nagtuloy-tuloy. Ngayon, mag-iisang taon mahigit na kami.”

Quinto answered in the affirmative when asked if she sees her partner as “the one.”

“Ganoon pala ‘yun. Alam mo agad,”

“Para sa akin, bago ka pumasok sa isang relasyon, meron kang makikitang mga bagay na komplikado, e, pero tinanggap ko, kahit alam kong may mga komplikado sa kaniya,”

 

error: Content is protected !!