Connect with us

Entertainment

Angeline Quinto Ibinahagi ang Kanyang Quezon Trip Kasama ang Non-showbiz Partner Niyang si Nonrev at Anak Nilang si Baby Sylvio

Hilig mo rin ba ang mamasyal at mag-relaks sa magagandang mga lugar? Marahil kung isa ka sa mga mahilig sag anito, ay madalas ka ding nagba-browse sa social media kung saan dito ay nakakahanap ka ng mga iba’t ibang mga nagagandahang lugar na maari mong pasyalan o pagbakasyunan kasama ang itong kaibigan o kaya naman ay kapamilya.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Ang mahusay na mang-aawit at ngayon ay isa ng mommy na si Angeline Quinto, ay isa lamang din sa mga nahihilig na mag-browse sa social media kung saan siya tumitingin ng mga magaganda at nakaka-relaks na lugar na maari niyang mabisita at mapasyalan.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Nito lamang nakaraan ay masayang ipinasilip ni Angeline, sa kanyang YouTube at mga ka-twinkle ang naging masayang bakasyon niya kasama ang kanyang non-showbiz partner na si Nonrev at anak nilang si baby Sylvio, sa isang lugar na ayon sa kanya, ay nakita niya sa Instagram. Pagbabahagi pa ni Angeline, ito ang first out of town niya kasama ang kanyang anak, kaya naman talagang pinili niya ang lugar na tunay na makakapag-enjoy ito.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Ayon kay Angeline sa Instagram niya nakita ang naturang resort, kung saan ito ay ang Lost Villa na matatagpuan sa Lopez, Quezon. Paglalahad pa niya, ng bisitahin niya ang Instagram ng naturang resort, ay agad siyang namangha sa kagandahan ng lugar, kaya nagplano din sila kaagad na ito’y puntahan.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Personal naman na nakilala at nakausap ni Angeline ang may-ari ng Lost Villa na si Sandy, at ito pa ang sumama sa kanya na nag-tour sa napakagandang property nito. Una ay ipinakita nila ang ilang bahagi ng villa tulad na lamang ng living area.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Naging kapansin-pansin naman kay Angeline ang purong kahoy na furniture sa naturang villa, at ayon nga sa owner nitong si Sandy, sila mismo ang bumibili ng kahoy at ito ay ipinapagawa nila sa kung ano ang furniture na kinakailangan nila para sa villa.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Ibinahagi rin ni Sandy, na ang villa ay mayroong apat na silid, kung saan ang dalawa ay King rooms na ‘good for two’ at ang dalawa naman ay ‘bunk beds’ na maari naman sa mga magbarkada o magkapamilya. Nang silipin nila ang mga bedrooms na ito ng villa ay namangha naman talaga si Angeline, dahil sa kalinisan nito.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Maliban sa living area at bedroom ay tunay na kahanga-hanga rin ang kagandahan at kaayusan ng kitchen area ng villa, kung saan ay maaring magluto ang mga guest ng villa. Agaw-pansin din sa kitchen area ang mga mamahaling kitchen appliances, at ayon mismo kay Sandy sa buong villa ay ang kitchen ang may pinakamahal na gastos, dahil inabot umano sila dito ng Php800K.
Siyempre hindi naman mawawala sa villa ang napakagandang swimming pool at ang masasarap na pagkain na maaring orderin ng mga guest na tulad nina Angeline.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Matapos na ipasilip ni Angeline ang Lost Villa ay namasyal din siya sa pamilihan ng Lopez, Quezon at dito ay kanya ngang tinikman ang iba’t ibang mga masasarap na kakanin ng lugar. Sa paglilibot pa niya sa lugar, ay nagawa din niyang makipagchikahan sa mga tindera rito na natuwa naman sa pagiging magiliw niya.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Pagdating naman ng gabi, ay isang restaurant naman sa Lopez, Quezon ang binisita ni Angeline kasama ang kanyang mga staff at non-showbiz parter niyang si Nonrev, ito ay ang Smokehauz Ni Mang Kulas, kung saan ay ibinida naman niya ang mga masasarap na menu nito.

Nakachikahan din ni Angeline ang owner ng nasabing restaurant, at dito ay napag-alaman na ang pangalan ng restaurant ay isinunod sa pangalan ng nag-iisang anak na lalaki ng mga ito na si Nicolas.

Photo credits: Angeline Quinto| YT

Sa huling bahagi naman ng vlog ay makikita ang pag-e-enjoy ni Angeline sa pag-inom ng buko juice na sariwa pa talaga dahil mula pa sa puno ng buko kinuha ang bunga nito. Pinagsaluhan din nila ang masasarap na pagkain.Kitang-kita din sa iba pang mga larawan at video na ibinahagi ni Angeline sa kanyang vlog na ito kung gaano sila nag-enjoy sa kanilang Quezon Trip.

error: Content is protected !!