Connect with us

Uncategorized

Angeline Quinto At Kanyang Non-showbiz Partner, Masayang Ipinasilip Ang Baby Shower Para Sa Kanilang Baby Boy

Hindi na nga maitago ng singer at aktres na si Angeline Quinto ang kanyang excitement sa pagdating ng kanyang panganay na anak. At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ni Angge at ng kanyang non-showbiz partner ang kanilang inihandang baby shower para sa kanilang panganay na anak.

Photo credits: Angeline Quinto | IG

Sa Instagram nga ay makikita ang sunod-sunod na larawang ibinahagi ni Angge at ng Nice Print Photography. Makikita nga na puno ng saya ang naganap na baby shower para sa baby nina Angge at kanyang partner kung saan nga ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa showbiz.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng Nice Print Photography na naroon nga ang aktres at sikat na vlogger na si Alex Gonzaga kasama ang kanyang asawang si Mikee Morada, pati na rin ang make up artist na si RB Chanco.

Photo credits: Angeline Quinto | IG

Samantala, sa Instagram post naman ni Angge ay labis ang kanyang pasasalamat sa mga taong naging parte at naging instrumento para mabigyang katuparan ang matagumpay na baby shower para sa kanilang baby boy.

“Nakita at nakasama ko ulit ang mga taong malapit sa akin. And also THANK YOU, sa napaka generous na mga partners and sponsors namin para mabuo ito. We love you po. Thank you sa inyong lahat,”caption ni Angge.

Kapansin-pansin naman sa mga larawan na ito ang unang pagkakataon na ipinakilala ni Angge sa publiko ang kanyang non-showbiz partner. At ito rin ang unang beses na nakitang kasama ito ni Angge sa isang event magmula nang kanyang isapubliko ang kanyang pagbubuntis noong nakaraang taon buwan ng Disyembre.

Photo credits: Angeline Quinto | IG

Agaw pansin naman sa mga larawan ang masayang mukha ni Angge at ng kanyang partner. Patunay lamang nga nito na excited na sila sa nalalapit na pagdating ng kanilang panganay na anak.

Tiyak naman na puno ng pagmamahalan ang kanilang mabubuong pamilya, at tiyak rin na magiging mabuting mga magulang sa kanilang anak sina Angge at ang kanyang non-showbiz partner.

Photo credits: Angeline Quinto | IG

Matatandaan naman sa panayam kay Boy Abunda na naibahagi ni Angge ang tungkol sa pagsisimula ng kanilang love story ng kanyang partner. Ngunit, sa nasabing panayam ay hindi naman nagbigay ng anumang detalye si Angge tungkol sa katauhan nito.

“Nakilala ko siya, Tito Boy, dahil kaibigan po siya ‘nung boyfriend din ng kaibigan ko sa Sampaloc, Manila po. Non-showbiz po.”

“Tapos, ‘nung nagkita kami isang beses, hanggang sa nagkaroon ng communication po, nagtuluy-tuloy. So ngayon, Tito Boy, bale mag-iisang taon mahigit na rin po kami.”

Kamakailan lamang sa isang vlog kasama ang kanyang kaibigang si Vice Ganda, ay ibinunyag naman ni Angge na nagsasama na sila ng kanyang partner. At ayon nga sa singer, ay napagpasyahan nilang magsama magmula nga nang malaman na siya’y nagdadalantao.

Photo credits: Angeline Quinto | IG

“Nung nalaman namin na buntis ako, ‘yun ‘yung napagsunduan na mag-stay siya.”

“Napag-usapan namin ‘yun, tapos sabi niya na mas gusto niyang nababantayan niya ako habang buntis ako. Kasi nung mga pangalawang buwan ako nagbubuntis… medyo maselan ako noon talaga.”

error: Content is protected !!