Connect with us

Entertainment

Angelica Panganiban, Naging Emosyonal sa Gender Reveal ng Kaniyang Panganay na Anak

Sa panahon ngayon, napakarami nang nagsisilabasan na kakaibang ideya para sa mga gender reveals. Makikita rin ngayon sa social media ang magagarang gender reveals para sa anak ng mga pinakasikat na personalidad sa ibang bansa at maging dito sa Pilipinas.

Maging ang ibang mga magulang ngayon ay na-eengganyo na rin na mag-organisa ng isang gender reveal party para sa kanilang mga magiging anak. Dahil dito, bibihira na lamang ang nagkakaroon ng simpleng gender reveals. Isa na nga rito ang aktres na si Angelica Panganiban at ang kaniyang non-showbiz partner.

Matatandaang noong nakaraang taon lamang nang ipakilala ni Angelica ang kaniyang bagong non-showbiz boyfriend na si Greg Homan. Mula noon, naging pribado ang kanilang relasyon ngunit Marso ng kasalukuyang taon, ibinahagi ni Angelica ang kaniyang pagiging isang ina sa kaniyang panganay na anak.

Noong mga nakaraang linggo naman ay masayang ibinalita ni Angelica na magkakaroon sila ng isang baby girl. Sa isang YouTube vlog ng The Homans, ipinakita ni Angelica at ng kaniyang partner ang kanilang pagbisita sa doktor. Talagang espesyal ang pagbisita nila na ito dahil malalaman na ng magkasintahan ang magiging gender ng kanilang unang anak.

Bagamat kitang-kita ang excitement sa mata ng magkasintahan, wala umano silang kahit anong ekspektasyon. Ayon sa kanila, siguradong magiging masaya sila anuman ang magiging resulta ng gender reveal na ito dahil ang importante sa kanila ay ang kalusugan ng kanilang magiging anak. Dahil dito, talagang makikita na naging emosyonal ngunit masaya ang magnobyo nang malaman nila na magkakaroon sila ng isang napakalusog na baby girl.

Ibinahagi rin ni Angelica ang kaniyang nakakatuwang mga ideya para sa magiging pangalan ng kanilang anak. Mapapansin din ang excitement ni Angelica bilang isang first time mom nang ibahagi niya ang mga bagay na plano niyang ituro sa anak.

Nagkaroon din ng simpleng selebrasyon ang dalawa kasama ang kanilang malalapit na kaibigan gaya ni Glaiza de Castro. Hindi rin nakalimutan ni Angelica na ibahagi ang napakasayang balita na ito sa kanilang mga magulang na ayon kay Angelica ay talagang napaka-excited para sa gender reveal na ito.

Bukod sa kaniyang mga mahal sa buhay at sa pamilya ng kaniyang partner, naging masaya rin ang mga fans at subscribers ng aktres.

error: Content is protected !!