Connect with us

Entertainment

Angelica Panganiban, May Nakakaantig Na Mensahe Sa Kanyang Bestfriend Na Si John Prats

Hindi madali ang makatagpo ng tunay at tapat na kaibigan, kaya naman maswerte ka kung may isang matalik kang kaibigan na tunay at tapat na nagmamahal sayo.

Photo Credit: Angelica Panganiban Instagram




Ang matalik na kaibigan ang taong maaari mong malapitan sa oras ng problema kung saan sila’y handang makinig at magpagaan ng iyong kalooban. Sila rin ay handang magbigay ng payo at handang tumulong sa oras ng pangangailangan.

Photo Credit: Angelica Panganiban Instagram

Maging sa industriya ng showbiz ay may mga magkakaibigan ring hindi matawaran ang samahan at pagmamahal sa isat-isa. Kagaya na lamang ng magkaibang Angelica Panganiban at John Prats na talagang hinahangaan ng marami dahil sa hindi matatawarang samahan nila bilang matalik na magkaibigan.

Nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa noong 90s kung saan bago at nagsisimula pa lamang sila sa industriya showbiz. Ngunit hanggang ngayon, ang kanilang samahan bilang magkaibigan ay napanatili nilang matatag at mas lumalim ito sa paglipas ng mga taon. Kung kaya’t ang sino mang makakapuna sa kanilang dalawa ay nakadarama ng tuwa sa nakikitang maganda nilang samahan.




Nitong nakaraan nga ay marami na naman ang pusong naantig sa dalawang magkaibigan matapos makita ang post ni Angelica para sa kaarawan ng kanyang bestfriend na si John Prats.

Photo Credit: John Prats Instagram

Sa Instagram account ni Angelica, ibinahagi niya ang larawan nila ng kaibigang si John Prats habang natutulog. Sininalaysay ng Kapamilya star kung gaano siya kakumportable sa kanyang matalik na kaibigan at kung gaano ito kalambing sa kanya. Isinaad rin ng aktres na isa itong mabuting tao kung saan ibinalik umano nito si Jesus sa buhay niya at ang pananalig niya. Lubos rin siyang nagpasalamat sa maybahay ni John Prats na si Isabel Oli na naging kaibigan na rin niya simula ng maging kasintahan ito ni John.

Ipinabatid rin ng aktres ang kanyang masayang pagbati sa kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan at sinabi na mahal niya ito at ang pamilya nito.

Photo Credit: Angelica Panganiban Instagram

“May mas lalambing pa ba sa kaibigan kong ‘to? Napakakumportable ko sa ‘yo, Pets. Napakabuti mo kasing tao. Ibinalik mo sa buhay ko si Jesus, kayo ni @isabeloliprats. Greatest blessings kayo sa buhay ko. Happy birthday, Petty pets. Mahal kita at ang lumalaki mong pamilya”

Saad ni Angelica sa caption ng litrato.




Ang post na ito ni Angelica at hinangaan ng mga netizens kaya naman nakakuha na ito ng mahigit 133,000 favorites, as of posting.

Maliban sa malambing na mensahe na ito ni Angelica sa bestfriend na si John, matatandaan rin na nagpost na ang aktres tungkol sa pagiging positibo sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan at kung ano ang epekto nito sa buhay niya.

“Salamat sa positivity na dulot mo sa buhay ko. Mas marami ka pa sanang pangarap na matupad. Nandito lang ako lagi, Pets. Mahal kita”

Wika niya sa isang naunang Instagram post..




Mapapa sana all ka na lang talaga sa nakakabilib at nakaka-inspire na samahan nina Angelica at John bilang matalik na magkaibigan. Talaga nga namang biniyayaan ng tunay at tapat na samahan ng pagkakaibigan.

error: Content is protected !!