Connect with us

Entertainment

Angelica Panganiban, May Buwelta sa mga Nagtatanong Kung Kailan Siya Mag-aasawa at Bubuo ng Sariling Pamilya

Nakaugalian na sa ating mga Pinoy na kapag lumagpas ang edad sa kalendaryo o tumuntong sa edad na 30, ay hindi maiwasan na tuksuin o tanungin kung kailan magpapakasal o mag-aasawa. Hindi nga nakaligtas rito ang 34 taong gulang na aktres na si Angelica Panganiban, na kamakailan ay ibinigay ang kanyang kasagutan sa mga taong nagtatanong kung kailan niya balak mag-asawa at bumuo ng sariling pamilya.




Tila nga nakukulitan na si Ange sa mga taong paulit-ulit na nagtatanong tungkol sa kanyang pag-aasawa. At kamakailan nga sa online show niyang “Ask Angelica” kasama ang aktres at host na si Alex Gonzaga, ay nabuksan ang usaping ito.

Photo credits: Angelica Panganiban : Instagram

Bagama’t masyadong personal ang usaping ito, ay hindi nagdalawang isip ang aktres na ibigay ang kanyang opinyon at saloobin.

Sa nasabing online show, ay may isang netizen ang nagtanong kung anong dapat gawin dahil napre-pressure na ito sa mga nagtatanong kung kailan magkakaboyfriend at mag-aasawa.

“Batuhin mo yung mga taong nagtatanong ng ganyan. Sabihin niyo, ‘Kayo, kelan kayo gaganda?”,sagot ni Angelica sa netizen.

Tinanong rin ni Alex si Ange, kung naranasan rin ba nito ang ganitong sitwasyon. Dito na nga inilabas ni Ange ang kanyang saloobin, lalo na’t pressure rin ang aktres.

”Siyempre, lalo na sa pamilya, di ba? Si Mama yung, ‘Sana magkaano ka na, ‘no? Magka-boyfriend ka na, ‘tapos pag ano, siya na talaga iyon,’ Yung mga ganu’n? Then, umabot sa point na nainis ako, kasi parang, bakit? Bakit niyo gusto ang isang tao magkaroon ng partner, e, nakikita mo naman na buong-buo siya by herself?”

Photo credits: Angelica Panganiban : Instagram

Tila may paghugot naman ang aktres tungkol sa pakikipagrelasyon. Ayon nga kay Ange, ay hindi umano kailangan ng babae o lalaki ng isang tao upang makompleto.

“Talaga ba? Kailangan ba talaga ng lalake o ng babae sa buhay mo para lang masabing kumpleto ka?”

Dagdag pa ng aktres, ay dapat na buo na ang pagkatao bago pa man makipagrelasyon, dahil kung hindi ay hindi rin magiging masaya.




Ang bagay na ito ay sinang-ayunan naman ni Alex, ayon nga rito, pagdating sa pakikipagrelasyon ay hindi dapat pinipilit para lamang masabi na may boyfriend dahil darating ang tamang oras at tamang tao na ipagkakaloob ng tadhana upang makasama sa buhay.

“Oo, mind your own business, di ba?”

sagot naman ni Ange kay Alex.

Samantala, napag-usapan rin ng dalawa ang tungkol sa one sided love. Ayon kay Ange, pagdating sa pag-ibig, kapag nagmahal ay hindi na dapat pang humingi ng kapalit.

Mainit ang isyu ngayon kay Angelica patungkol sa taong nagbibigay saya at kulay sa buhay niya ngayon.

Photo credits: Angelica Panganiban : Instagram

Matatandaan naman na ang huling nakarelasyon ng aktres ay si John Lloyd Cruz. Naging boyfriend rin noon ng aktres sina Derek Ramsay at Carlo Aquino.

error: Content is protected !!