Connect with us

Entertainment

Angelica Panganiban, Ipinakilala na sa Publiko ang Nagbibigay Saya at Kulay sa Mundo niya Ngayon na Kanyang Non-showbiz Boyfriend na si Gregg Homan

Ang aktres na si Angelica Panganiban, ay kilalang mahusay na artista sa industriya ng showbiz. Ang kanyang kahanga-hangang talento sa pag-arte, ay talaga namang inaabangan ng kanyang mga tagahanga.




Hindi nga makakaila na ang husay niya sa pag-arte, ang nagdala sa kanya sa matagumpay na karera. Ilang ulit na rin nating nasaksihan ang kanyang buhay pag-ibig, mula sa saya hanggang sa kanyang pagluha.

Ngunit, matapos nga ang lungkot at kabiguan sa buhay pag-ibig ng aktres, ay tila nga may nagbibigay saya at kulay na sa buhay ni Angge ngayon.

At noong buwan ng Setyembre, noong nakaraang taon ay nagsimula na ngang magbigay ng pahiwatig si Angge sa pagkakaroon niya ng boyfriend. Matatandaan nga, noong nakaraang buwan ng Nobyembre sa kanyang online show na “Ask Angelica” para sa pagdiriwang ng kanyang birthday, ay tila nagbigay na rin ng palaisapan ang kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz sa pagkakaroon niya ng masayang love life.

At nito lamang nga ika-5 ng Pebrero, ay natapos na nga ay espekulasyon ng marami, dahil sa wakas ay inilantad na ni Angge sa publiko ang katauhan ng taong nagpapasaya sa kanya, ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Ito nga ay matapos ibahagi ng aktres sa Instagram ang nakakakilig na larawan nilang dalawa kasama ang alagang aso na si Roxy. At makikita nga sa matamis na ngiti ni Angge na kanya ng natagpuan ang isang tunay na pag-ibig na magbibigay sa kanya ng kaligayahan.

“Dad, Mom, make space for me? ‘Cause I’m the cutest” – Roxy,”caption ni Angelica sa sweet photos nila.

Bagama’t, naging pribado ang love life ni Angge, ay makikita naman na ngayong isinapubliko na niya ito, ay talagang masayang-masaya siya sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg.




Ayon sa ilang ulat, napag-alaman na isa palang businessman si Gregg na nagpapatakbo ng hotel at watercraft-building business sa Subic Bay sa Zambales.

Makikita naman sa Instagram story ni Angelica, na nasa bakasyon siya sa Subic, Zambales. At ang pagkakataon ngang ito, ay sinasamantala ng aktres upang makasama ang nobyo.

Matatandaan na una ng ibinahagi ni Angge ang nakakakilig na larawan kung saan kasama niya si Gregg, at isang matalinhagang mga salita ang inilagay ng aktres sa caption ng kanyang post.

“Kung isa kang pelikula sana..wala ng ending..”

error: Content is protected !!