Connect with us

Entertainment

Angelica Panganiban, Ibinahagi ang Kanyang Napakasweet na Mensahe Para sa Kanyang Boyfriend Para sa Pagdiriwang ng Kanilang 1st Anniversary

Matapos nga ang mga naranasang kabiguan sa buhay pag-ibig ng aktres na si Angelica Panganiban, ay tila muli na niyang natagpuan ang taong magbibigay saya at kulay sa kanyang puso.

Ngayon nga, ay talagang masayang-masaya ang aktres sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan. At ang kanilang matamis na pagmamahalan nga, kamakailan lamang ay umabot na ng isang taon.

Kaya naman, para sa kanilang pagdiriwang ng 1st anniversary bilang magkasintahan, nito lamang ika-11 ng Hulyo araw ng Linggo, ay ipinaabot ni Angelica ang kanyang napakasweet na mensahe para sa kanyang boyfriend na si Gregg.

Sa Instagram kalakip ang sweet photos nilang dalawa habang nakahalik sa pisngi ni Angelica si Gregg at masisilayan naman ang matamis na ngiti sa mukha ng aktres, ay isang nakakakilig na caption ang inilagay ni Angelica.

Credit: Angelica Panganiban | Instagram

“I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year my love. I wuv yew,”

Hindi maikakaila na talagang mahal na mahal ni Angelica ang kanyang boyfriend sa hindi maitagong kasweetan ng aktres.

Bumuhos naman sa comment section ng kanyang post ang komento ng kanyang mga kaibigan sa showbiz, na kung saan ay nagpakita ng pagsuporta at kaligayahan sa makulay at masayang buhay pag-ibig ngayon ni Angelica. Ilan nga sa kanyang mga celebrity friends na kinilig rin sa kanyang sweet message at nag-iwan ng komento ay sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Kim Chiu, Julia Montes, Glaiza de Castro, Iza Calzado, Arci Munoz, Barbie Imperial, Diego Loyzaga, Bianca Gonzalez, Mariel Rodriguez, at Kaye Abad.

Matatandaan na unang kinumpira ni Angelica ang kanyang relasyon sa kanyang boyfriend na isang businessman sa Subic noong buwan ng Enero pagbungad ng taong kasalukuyan. Ito ay sa pamamagitan ng isang post sa Instagram kung saan masisilayan ang kanilang sweet kiss habang nasa background ang napakagandang fireworks display.

Credit: Angelica Panganiban | Instagram

“Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending.”

At noong nakaraang buwan ng November naman nang maging maugong ang balita tungkol sa pagkakaroon ng makulay at masayang buhay pag-ibig ni Angelica sa birthday episode ng kanyang online show Ask Angelica, kung saan nga ay nagbigay ng hint ang kanyang mga kaibigan sa estado ng kanyang makulay na love life.

Credit: Angelica Panganiban | Instagram

Samantala, bago naman dumating sa buhay niya si Gregg na nagbibigay saya at kulay sa kanyang puso, ay nakaranas ng kabiguan si Angelica sa piling ng kanyang mga naunang nakarelasyon. Ilan nga sa mga ito ay sina Derek Ramsay, John Lloyd Cruz, at Carlo Aquino na nagdulot ng lungkot sa kanyang puso. Minsan na ring nalink si Angelica sa aktor na si Zanjoe Marudo, ngunit mariin itong itinanggi ng dalawa.

error: Content is protected !!