Connect with us

Entertainment

Angelica Jane Yap na Nakilala rin Bilang Si Pastillas Girl, Ipinasilip Ang Bagong Bahay na Nilipatan nila ng Kanyang Boyfriend na si Flow G

Si Angelica Jane Yap sa tunay na buhay o mas nakilala ng marami bilang si Pastillas Girl ay unang nakilala sa telebisyon sa noontime show na It’s Showtime. Ang komedyante at TV host na si Vice Ganda ang nakadiskubre sa kanya matapos mapanood ang viral video nito kung saan gumagawa siya ng pastillas habang inilalabas ang kanyang sama ng loob sa kanyang manlolokong boyfriend.

Magmula nga noon, ay nagkaroon ng sariling segment si Angelica sa programa kung saan nakilala siya at binansagang Pastillas Girl. Ito nga ang search for Pastillas Boy, kung saan ay naghahanap siya ng lalaking magmamahal sa kanya ng tapat at totoo.

Photo credits: angelicayap | IG

Ang pait at sakit na naranasan naman ni Pastillas Girl sa dating pag-ibig ay napalitan naman ng saya at kaligayahan sa katauhan ng boyfriend niya ngayong si Archie Dela Cruz na kilala naman bilang si Flow G na miyembro ng Ex Battalion.

Kasabay ng masayang buhay pag-ibig ni Pastillas Girl ay ang pag-arangkada ng kanyang karera bilang isang vlogger. Dahil dito, ay malaki ang nabago sa kanyang buhay kung saan ay nakapagpundar sila ng kanyang boyfriend ng isang bahay. Ngunit, ang bahay na ito na matatagpuan sa Quezon City, ay walong buwan lamang nilang naging tahanan dahil na rin sa mga hindi inaasahang bagay.

At ngayon, ay nakalipat na sila sa bagong bahay kung saan talagang nakita nila na swak ang laki nito sa kanilang pangangailangan lalo ngayong dumadami na ang taong nakatira sa kanilang bahay. Ang bahay nga na ito na 2-storey house na may 4 bedrooms ay malapit lamang sa bahay ng kaibigan at kapwa vlogger nilang sina Zeinab Harake at Daryl Ruiz.

Photo credits: angelicayap | Youtube

Photo credits: angelicayap | Youtube

Sa vlog na ibinahagi ni Angelica o ni Pastillas Girl sa kanyang Youtube Channel nito lamang ika-16 ng Abril ay ipinasilip niya ang bagong bahay na nilipatan nila ng kanyang boyfriend na si Flow G. Ito ang part 1 ng house tour vlog niya para sa bagong bahay nila.

Photo credits: angelicayap | Youtube

Pagpasok pa lang sa loob ng gate ng bahay, ay sasalubong na ang malawak na bakuran kung saan kasya ang 4 na sasakyan sa garahe. Napakapresyo naman rito dahil napapaligiran ito ng mga puno.

Photo credits: angelicayap | Youtube

Photo credits: angelicayap | Youtube

Photo credits: angelicayap | Youtube

Ang pinto naman ng bahay ay isang antigong pinto na sadyang napakaganda ng disenyo. At sa pagbukas nga nito ay bubungad ang maaliwalas na living room. Kapansin-pansin naman ang isang Jacuzzi sa sala. Ayon nga kay Angelica, ay dati umanong party house ang nabili nilang bahay.

Photo credits: angelicayap | Youtube

Photo credits: angelicayap | Youtube

Inilibot nga ni Angelica ang kanyang mga viewers sa living room, dining area at kitchen area. Kasama rin sa ipinakita ni Angelica ang kanyang office na dating spa. At dahil wala namang mahilig mag-spa sa kanila, ay ginawa na nga itong office room. Ayon naman sa sikat na vlogger, ang ilan sa mga kagamitang matatagpuan sa bago nilang bahay ay mula rin sa luma nilang bahay sa Quezon City.

Sa part 2 naman ng vlog ni Angelica, ay ipinakita niya ang 2nd floor ng kanilang bagong bahay. Ang matatagpuan nga rito ay ang tatlong bedrooms kabilang na rito ang silid nila ni Flow G.

Masaya naman si Angelica dahil ngayon nga ay natagpuan na nila ang isang napakagandang bahay na talagang angkop sa kanilang pangangailangan.

 

error: Content is protected !!