Connect with us

Entertainment

Angel Locsin, Ready na sa Kanyang Balik Alindog Program, Ibinahagi ang kanyang Diet na Rekomendasyon ng kanyang Doktor

Sa pagsisimula ng karera ng aktres at TV host na si Angel Locsin sa industriya ng showbiz, ang isa sa hinangaan ng marami bukod sa kanyang napakagandang mukha at husay sa pag-arte, ay ang kanyang magandang hubog at napakaseksing katawan.

Matatandaan nga na magmula noong 2002 hanggang taong 2007, nang masilayan natin ang taglay na kaseksihan ni Angel sa mga karakter na kanyang ginampanan. Katulad na lamang nga nang gumanap siyang Alwina sa fantaseryeng Mulawin kung saan makikitang napakaseksi niya sa suot niyang costume. Mas lalo namang pinabilib ni Angel sa kanyang kaseksihan ang publiko matapos gumanap bilang Pinoy superhero na Darna sa telebisyon sa adaptation ni Mars Ravelo na napanood noon sa GMA.

Ngunit, sa paglimlim ng karera ni Angel, ay kasabay nito ng pagbabago ng kanyang anyo. Matatandaan nga na minsan nang nag-viral ang larawan ni Angel sa social media kung saan ginulat niya ang publiko matapos masilayan ang kanyang pagtaba at pagtaas ng timbang. Makikita naman na kahit tumaba ang aktres sa pagdaan ng panahon, ay napakaganda parin ng kanyang mukha.

Samantala, ang tumataas na timbang ngayon ni Angel ay isang malaking suliranin ng aktres na dapat mabigyan agad ng aksyon. At kamakailan lamang nga, ay ibinahagi ni Angel na kailangan niyang magpaseksi ulit at magbalik alindog dahil sa rekomendasyon ng kanyang doktor.

Photo credits: google.com

Kamakailan lamang nang bumisita si Angel Locsin sa clinic ni Dr. Aivee Teo kung saan ay ipinakonsulta niya ang tumutubo sa kanyang mukha. Makikita sa maikling video na ibinahagi ng The Aivee Clinic nang bumisita si Angel na itinuro niya ang kanyang baba, kung saan madalas tubuan ng kung ano-ano, dahilan nga upang mabahala siya.

Photo credits: google.com

Nang suriin ni Dr. Aivee ang mukha ni Angel, ay iminungkahi nito na sumailalim ang aktres sa procedure na tinatawag na Aerolase. Ang nasabing procedure ay tiyak na malaki ang maitutulong sa kanya upang maresolba ang kanyang problema.

Photo credits: google.com

Sa sumumod na araw nga ay agad na ibinahagi ni Angel ang kanyang ginawang pagda-diet para mabawasan ang kanyang timbang. At ang pagbabawas ng kanyang timbang ay rekomendasyon ng kanyang doktor para mapabuti ang kanyang kalusugan.

Photo credits: google.com

Sa maikling video na ibinahagi ni Angel, ay ipinakita niya ang mga pagkain na kanyang kakainin sa loob ng isang araw. Pagbabahagi pa ni Angel ay kailangan niyang magbawas sa pagkain ng carbs at ang mga pagkain na kinakain niya ngayon ay recommended ng kanyang nutritionist.

“I’m gonna record this, beacuse today is the first day I’m gonna try the doctor food from Aivee Clinic,” saad ni Angel sa kanyang video.

Photo credits: google.com

Ibinahagi naman ni Angel na matapos ang ilang taon, ay balik na siya sa pagkain ng “doctor food”. At ang bagay nga na ito, ay malaki ang maitutulong sa kanya para makamit ang goal niyang pumayat, at bumalik ang kanyang alindog.

error: Content is protected !!