Connect with us

Showbiz

Angel Locsin, Pinasalamatan ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo Matapos nitong Magpahayag ng Pagsuporta sa ABS-CBN

Published

on

Marami nga sa mga Kapamilya stars ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa ABS-CBN, matapos nga nitong hindi makakuha ng panibagong prangkisa na naging dahilan ng tuluyan nitong pagsasara. Isa nga sa pinakavocal na Kapamilya stars na nagpakita ng suporta sa Kapamilya Network ay ang aktres na si Angel Locsin.




Matatandaan na taong 2007 nang lumipat ang aktres sa naturang network at talaga namang ipinamalas ang kanyang angking talento sa pag-arte. Dahil isa siya sa pinakasikat at pinakamahusay na aktres sa mga teleseryeng mapapanood sa Kapamilya shows. Maliban rito, malaki rin ang utang na loob ng aktres sa network na kung saan ay naging tahanan niya ng halos 13 taon.
Kaya naman, nang maharap sa matinding suliranin ang mahal niyang network, ganun na lamang ang kanyang pagsuporta rito. Magmula nga noong buwan ng Pebrero ay hindi tumigil si Angel na ipakita ang kanyang suporta sa Kapamilya network.

Ang pagsuporta nga ni Angel sa nasabing network ay hindi lamang para sa sarili niyang kapakanan kundi para sa mga empleyadong nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara nito at maging para rin sa mga Pilipino na nabibigyan ng impormasyon at kaligayahan na hatid ng mga programa ng Kapamilya Network.

Photo credits: Angel Locsin | Instagram

At sa tuluyang pagsasara nga ng ABS-CBN noong July 10, ay mas lalo pang ipinamalas ni Angel ang kanyang suporta sa Kapamilya network kung saan ay malaya niyang ipinahayag ang kanyang saloobin, at ang aktres nga ay nagprotesta pa noong July 18 sa Quezon City kung saan ay kinalampag rin ang ilang Kapamilya stars na nananahimik sa isyu.




At isa nga sa mga Kapamilya stars na nakalampag ni Angel ay ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, kung saan ay naging bahagi ng Kapamilya network sa loob ng halos isang dekada. Ang Kapamilya network nga ang naging tahanan ni Sarah G na nagpatanyag sa kanya sa larangan ng musika at sa kanyang karera bilang artista at higit sa lahat ay nagdala sa kanya sa tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

Photo credits: Angel Locsin | Instagram

Kaya naman, labis ang pasasalamat ni Angel nang magpost ang Popstar Royalty sa kanyang Twitter ng isang mensaheng nagpapakita ng pagsuporta at pagmamahal sa Kapamilya Network. Ngunit, ayon naman kay Angel ay hindi niya pinaparinggan ang singer upang magpahayag ito ng mensahe dahil alam niya na may mabuting kalooban ito at bukal sa puso ang pagsasalita nito.
Narito ang pahayag ni Sarah Geronimo kaugnay sa pagsasara ng ABS-CBN kung saan mababakas ang pagpapakita niya ng pagmamahal at pagsumuporta sa network.

Photo credits: Angel Locsin | Instagram

Pinasalamatan rin ni Sarah ang Network sa tiwalang ibinigay nito sa kanya habang nasa poder siya ng Kapamilya network.

“Malaking bahagi po ng aking karera ang ABS-CBN. Maliban po sa pamilya ko at sa aking manager na si Boss Vic, ang ABS-CBN po ay ang network na ilang beses na sumugal at sumuporta sa akin bilang artista at performer. Niyakap nila ako at inalagaan nang husto na parang kanilang sariling ‘anak’ o homegrown talent. Malaki po ang utang na loob ko sa network na ito at habangbuhay ko po ipagpapasalamat ang bawat oportunidad, tiwala na ibinigay nila sa akin.”

error: Content is protected !!