Connect with us

Entertainment

Angel Locsin, Pinahanga ang mga Netizens sa Kanyang New Look Matapos Ibahagi ang Kanyang New Hairstyle

Ang aktres na Angel Locsin ay isa sa mga hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz na bukod sa kanyang husay sa pag-arte, ay talagang kinabibiliban rin ng kanyang mga tagahanga ang kanyang taglay na ginintuang puso. Maliban pa rito, ay hinahangaang rin si Angel ng lahat dahil sa kanyang napakaganda at maamong mukha.

Hindi naman mawawala sa puso’t isip ng kanyang mga tagahanga ang mga serye sa telebisyon na kanyang pinagbidahan kung saan ipinamalas niya ang kanyang husay sa pag-arte. Ilan nga sa mga ito ay “Darna,” “The Legal Wife,” “Mulawin” at ang huli nga ay ang “The General’s Daughter”.

Hindi naman maikakaila na marami ang nakaabang na tagahanga tungkol sa kaganapan sa buhay ni Angel. Sa katunayan nga nito, nang minsang ibahagi ng aktres ang kanyang weight loss journey, ay marami rin ang talagang nasasabik na masilayan ang resulta ng kanyang pagbabalik alindog.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Tila unti-unti naman nang nakakamit ni Angel ang kanyang goal, dahil marami na ang nakakapansin ng kanyang unti-unting pagbabawas ng timbang.

Ngunit, kamakailan lamang ay agaw atensyon ang ibinahagi niyang larawan sa social media. Makikita kasi sa larawan ang new look ni Angel matapos niyang magpaayos ng buhok. Hindi naman makapaniwala si Angel sa resulta ng kanyang bagong ayos na buhok. Hindi nga maitago ni Angel ang kanyang tuwa matapos masilayan ang kanyang new look dahil sa bagong ayos niyang buhok ay talagang “nalurks” siya sa sobrang ganda.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Ibinahagi niya ang before and after photo kung saan makikita ang malaking kaibahan ng kanyang buhok na hindi pa naaayos sa resulta ngayon ng kanyang naayos nang buhok. Makikita naman talaga na napakaganda at fresh na fresh ang awra ni Angel sa kanyang new hairstyle.

Photo credits: Angel Locsin | IG

Mas lalo namang lumutang ang taglay na kagandahan ni Angel sa kanyang new hairstyle, dahilan nga upang pasalamatan niya ang hairdresser na si Celeste Tuviera. Pinuri ni Angel ang husay nito, at sinabi pa nv aktres na may mahika umano ang mga kamay nito dahil sa napakagandang resulta ng kanyang buhok.

Photo credits: Angel Locsin | IG

At ang transformation nga na ito ni Angel, ay talagang hinangaan ng maraming netizens. Bumuhos nga ang mga komento na puno ng papuri at paghanga sa kanyang post mula sa mga netizens. May ilan naman na talagang sinang-ayunan ang pagpapaayos ng buhok ni Angel dahil nakikita na nila ang dating Angel na kanilang minahal at hinangaan sa mga teleserye. May ilan naman na inakalang throwback lamang ang larawang ito ni Angel, dahil nga makikita na tila bumawas na rin ang timbang ng aktres, at masisilayan sa mukha nito na medyo pumayat na.

Samantala, masaya naman ang buhay pag-ibig ni Angel ngayon sa piling ng kanyang fiancee na si Neil Arce, na isang film producer. Marami na rin ang nakaabang sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib, na nakansela dahil sa pandemya.

error: Content is protected !!