Connect with us

Entertainment

Angel Locsin, Namataang Namamahagi ng Tulong sa Mauban, Quezon; Netizens Hinangaan ang kanyang Pagiging Down to Earth

Published

on

Talaga nga namang pagdating sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan ay hindi mawawala sa listahan ang isang anghel na kagaya ni Angel Locsin. Dahil kahit saang lugar pa yan, basta may taong nangangailangan ng tulong ay palaging maaasahan si Angel.




Kamakailan nga, ay namataang namamahagi na naman ng tulong ang real-life Darna na si Angel Locsin sa Mauban, Quezon. At hinangaan nga ng mga netizens ang kabutihang-loob na ipinakita ni Angel, bukod rito marami ring humanga sa aktres sa kanyang pagiging down to earth na nagbigay naman ng inspirasyon sa mga netizens.

Ayon naman sa Sentinel Times, isang weekly newspaper sa Quezon Province, ang mga larawan ay kuha umano sa taping ng upcoming show ni Angel na Iba Yan sa Kapamilya Network.

Samantala, isang netizens naman na nagngangalang Jovelyn Gagan Sangcap ang humanga kay Angel matapos nitong makita ang aktres. Ngunit, higit namang hinangaan ni Jovelyn ang magandang katangian ng aktres, ang pagiging down to earth nito. Kaya naman, ibinahagi ng nasabing netizen sa facebook ang kanyang masayang karanasan na makita at masaksihan kung gaano kabait at ka-down to earth si Angel.




Makikita sa mga larawang ibinahagi ng netizen na masayang nakikisalo ang aktres sa pagkaing siya mismo ang naghanda para sa isang pamilya na nakatira malapit sa tabin-dagat ng Mauban. Makikita rin sa isang kuha ng larawan na kasama ng aktres ang kanyang fiancee na si Niel Arce.

“Napaka-down-to-earth mo, Darna. Sobrang nakakahiya na makipag usap sayo lalo na nung tinanong mo pangalan namin. Pati future husband mo ang bait lalo narin po yung mga staff mo. Sana next time mahug naman kita with picture. At sana mainterview nyio rin kami,” pahayag sa post ng netizens na mababakas ang paghanga sa aktres.

Tunay nga na talagang maaasahan si Angel sa paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan. Isang tunay na angel na may napakabuting puso at napaka-down to earth. Kahanga-hanga naman talaga hindi lamang ang kanyang taglay na ganda kundi maging ang magandang ugali na mayroon siya. Godbless you more Angel Locsin!

Angel & Neil 💗

Posted by Jovelyn Gagan Sangcap on Tuesday, 16 June 2020

error: Content is protected !!